Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei Iba’t ibang Palabas sa Entablado Pagtatanghal sa Kultura ng Bagong Imigrante Kasama kang magranas ng tradisyon ng iba’t ibang bansa sa Araw ng Puso

Ulat sa Balita mula sa Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei

Tagapaglathala: Patakaran sa Pantaong Populasyon

Petsa: Pebrero 13, 2023

Contact: Division Chief Wu Chong-Xin,  Lo Hsiang-Yun

Telepono: 1999 ext. 6258、6375、0966590813、0935265759


  Isinagawa ang “2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei” Pebrero 5-19 at ang eksibisyon sa Songshan Cultural and Creative Park na may temang kultura ng iba’t ibang grupo ng tao ay nagdala ng kakaibang karanasan sa namamasyal na publiko! Ngayong taon, inanyayahan ng Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ang mga artist at mga bagong imigrante na magkasamang lumikha, bumuo ng mga gawaing lantern mula sa iba’t ibang background at kultura, itinanghal ang alindog at damdamin ng kultura ng bagong imigrante, at nagsagisag sa mga taong may iba’t ibang kultura, dugo, pinanggalingan, magkasamang nagtipon at dito muling nagsimula, nabubuhay at nagpapatuloy.

  Bukod sa magkasamang nilikha na multikulturang gawain, inimbitahan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ang grupo ng mga bagong imigrante, magtanghal sa No. 1 Warehouse sa Songshan Cultural and Creative Park, sa konseptong magkakaiba at magbuklod, gumawa ng “madaming uring entablado”. Nagdala ng kakaibang palabas ang mga bagong imigrante, itinanghal ang sigla at damdamin ng iba’t ibang lahi at kultura. Inanyayahang magkasamang nanood ang publiko.

  Sa araw ng pagsimula ng Lantern Festival, umabot sa 5 grupong bagong imigrante ang nagtanghal, kabilang ang Myanmar, Indonesia, West Africa, Latin music band at ang “Nayunfei” grupo sa sayaw ng kilalang mananayaw Teacher Tien-na. Dinumog ng tao ang bawat pagtatanghal, umakit sa maraming taong nanood. Para sa mga hindi nakapanood ng pagtatanghal, muling magbibigay ng makulay na pagtatanghal ang mga bagong imigrante sa Pebrero 14, Araw ng Puso, mula 15:00-21:00! May bandang binuo ng mga bagong imigrante mula Malaysia, sa malakas na tunog ng tambol, nagbigay ng presentasyong kasama ang madaming wika, binabati ang lahat ng kaligayahan at kasiyahan sa isang buong taon. Kasunod ang Urban Folklore – Bengali Folk Song Group nagtanghal ng mga katutubong  kanta ng India, kumakatawan sa “Bangladesh kumakanta papunta sa Taiwan”. Ang Te Natira’a ay nagtanghal ng mga sayaw, naglalahad ng buhay at kultura ng Tahiti, nagdulot ng tuwa sa publikong mahilig sa sayaw. Pinakahuli, ang Gema Angklung, grupong binuo ng mga bagong imigrante mula Indonesia, gumamit ng angklung sa pagbabahagi ng kakaibang kultura ng musika, may temang “Pag-ibig sa ilalim ng Liwanag ng Buwan”, kasama ang lahat sa pagdiriwang ng Araw ng Puso!

  Isang makulay at masayang pagtatanghal ng magkakaibang kultura sa eksibisyon area ng Fount of Light. Para sa mas marami pang impormasyon, tingnan ang opisyal website ng 2023 Taiwan Lantern Festival sa Taipei (https://tw-light.taipei/) at ang fan page ng New Immigrants’ Hall sa Lungsod ng Taipei (https://www.facebook.com/nit.taipei).