Magkano ang multa sa restawran na hindi nag-ayos ng suliranin sa polusyon ng usok ng mantika sa loob ng palugit na panahon?
Matapos mahuling lumabag ang restawran sa mga tuntunin ng Air Pollution Control Act (APCA) at mabigyan ng pagpataw at pagbabago sa loob ng takdang panahon, at maimbestigahang mayroon pa ring paglabag ng parehong tuntunin pagkaraan ng palugit na panahon, maaaring pagmultahan ng halagang NT$1,200 hanggang NT$100,000 ayon sa pagkakaiba ng antas at katangian ng polusyon, bilang ng beses ng paglabag at kategorya ng taong lumabag sa APCA Art. 32-1.5. Kapag ang lumabag ay pabrika, mapapatawan ng pagbayad ng multang NT$100,000 hanggang NT$5,000,000. Ang lumabag sa Art. 20-1 Emission Standards at lumabag sa mga kaugnay na paraan sa pamamahala sa Art. 23-2, mapapatawan ng pagbayad ng multang NT$20,000 hanggang NT$1,000,000. Ang lumabag na pabrika ay mapapatawan ng pagbayad ng multang NT$100,000 hanggang NT$20,000,000. Pinagmulan ng Impormasyon: Environmental Inspection Division, Department of Environmental Protection, Pamahalaan sa Lungsod ng Taipei