Nangangailangan ba ng deposito ang YouBike?
Bilang miyembro ng YouBike, hindi kailangang magbigay ng deposito sa paghiram o pag-upa. Para sa minsanang nanghihiram, dahil hindi kailangan ang impormasyon ng miyembro sa pag-apply ng kard sa maiksing panahon, kaya ginagamit ng sistema ang pagkakakilanlan ng may hawak ng credit card bilang isang garantiya at sa kasalukuyan, nagbibigay ng pahintulot na mag-aplay ng isang deposito gamit ang credit card. Kapag ginamit ang credit card sa pagbayad sa pag-upa ng sasakyan (dapat activated ang card sa bangko), may transaksyon na $3000 sa deposito. Kapag sumunod ang konsumer sa paggamit ng serbisyo at naibalik ang sasakyan, awtomatikong mawawala ang pahintulot paglipas ng 5 araw at ikakaltas lamang ang totoong halaga sa paggamit ng bisekleta. Makikita ng konsumer ang halaga sa buwanang bill ng kanyang credit card. Para sa anumang tanong, maaaring tumawag at magtanong sa 1999 ext.5855 o sa 02-89788822 (may bayad). Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Transportasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei