Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paano humiram at magbalik ng bisekleta sa YouBike Smile Station?

May dalawang paraan sa paghiram at pagbalik ng YouBike:


 I. Paghiram ng Miyembro: Kapag miyembro ka na ng YouBike, maaaring “ilapit ang card” o “scan QRCode”upang humiram ng bisekleta.


 (A) Paraan ng paghiram at ilapit ang card


1. Pindutin ang “Rent via IC Card”upang magsimula.

2. Ilapit ang IC card sa sensor area.

3. Pagkatapos lumabas sa monitor ang “Kunin ang sasakyan. Mangyaring ibalik ang sasakyan sa 2.0 parking dock”, hawakan ang bike sa dalawang kamay at hilahin palikod.

4. Pagsauli sa sasakyan, ituwid ang gulong sa uka at itulak ang bisekleta sa parking dock. Kapag lumabas ang “C, ilapit ang card sa sensor. Lalabas ang “Halagang kakaltasin” at “Balanse sa card”sa monitor upang matapos ang buong proseso ng pagbalik sa bisekleta.


 (B) Paraan ng paghiram at mag-scan ng QRCode


1. Pindutin ang “Rent via QR Code”upang magsimula.

2. Gamitin ang YouBike 2.0 APP, pindutin ang Scan QR Code sa ibaba sa home screen, scan ang QR Code sa monitor sa bisekleta o ipasok ang verification code upang mabuksan ang lock (Kapag maliwanag at hindi mai-scan ang QR Code, i-type ang verification code upang makuha ang bisekleta.

3. Pagkatapos lumabas sa monitor ang “Kunin ang sasakyan”, hawakan ang bike sa dalawang kamay at hilahin palikod.

4. Pagsauli sa sasakyan, ituwid ang gulong sa uka at itulak ang bisekleta sa parking dock. Tapos ang buong proseso ng pagbalik sa bisekleta kapag lumabas ang “Nagtagumpay ang pagbalik ng sasakyan” sa monitor.


II. Minsanang Paghiram ng Bisekleta: Maaaring gamitin ang credit card (VISA、MASTER o JCB)sa pagbayad. Sumangguni sa YouBike website (https://www.youbike.com.tw/region/taipei/rent-way/single/) para sa paraan ng paggamit.


Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Transportasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei