Kapag hindi kinuha ang bisekleta sa loob ng 30 segundo makalipas mag-swipe ng kard, awtomatikong mag-lock ulit ang parking dock at makakansela ang transaksyon. Kapag nagbagong-isip at hindi na manghihiram ng bisekleta, mungkahing ilabas muna ang bisekleta at isauli nang ayon sa regular proseso ng pagbalik ng bisekleta upang matiyak na naibalik at nakakandado ang bisekleta at maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan. Ilapit ang kard sa sensor matapos lumabas ang “Nagtagumpay ang pagbalik ng sasakyan”sa monitor at walang makakaltas na bayad. Lalabas sa monitor ang “Halagang kakaltasin” at “Balanse sa card”upang matapos ang buong proseso ng pagbalik sa bisekleta. Tiyakin na hindi na mailabas ang bisekleta bago umalis upang maiwasang makuha ng ibang tao, magkaroon ng pagtatalo sa babayarin at problemang pagkawala ng sasakyan.
Kapag hindi mailabas ang bisekleta, tingnan ang nakasulat sa monitor ng bisekletang YouBike 2.0. Ang mensaheng “Nagtagumpay ang paghiram ng sasakyan”ay nagsasaad ng matagumpay na paghiram ng bisekleta. Kapag hindi mahilang palabas ang bisekleta, subukan galawin nang kaliwa’t kanan ang harapan ng bisekleta upang lumuwag o magpalit ng ibang hihiramin na sasakyan.
III. Kapag may tanong sa panahong nanghihiram ng sasakyan, maaaring tumawag at humingi ng tulong sa 1999 Hotline ng Mamamayan ext. 5855 o 02-89788822 (may bayad).
Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Transportasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei