Q1: Dapat may plaka ang mini-electric 2-gulong na sasakyan bago pwedeng gamitin sa daan. Paano mag-apply ng plaka? May telepono bang mapagtatanungan?
A: Maaaring magtanong sa Motor Vehicles Office sa Lungsod ng Taipei (telepono: 02-27630155) o sa motor vehicles office o istasyon sa magkakaibang lugar.
Q2: Simula Nobyembre 30, 2022, nagsimula ang pagkabit ng plaka sa mini-electric 2-gulong na sasakyan. Dapat bang may rehistradong plaka ang mini-electric 2-gulong na sasakyan na inilabas mula sa pabrika Nobyembre 30, 2022 bago pwedeng gamitin sa daan? Patuloy bang gagamit ng pagtanda ng kwalipikasyon ang sasakyan na inilabas mula sa pabrika Nobyembre 29, 2022?
A2: Oo, kailangang may rehistradong plaka ang mini-electric 2-gulong na sasakyan na inilabas mula sa pabrika Nobyembre 30, 2022 bago pwedeng gamitin sa daan. May pagtanda ng kwalipikasyon ang sasakyan na inilabas mula sa pabrika Nobyembre 29, 2022 at dapat tapusin ang pagkuha ng plaka sa loob ng 2 taon (Nobyembre 30, 2022 hanggang Nobyembre 29, 2024).
Q3: Ano ang mga bagay na dapat bigyan ng pansin sa pagsakay sa mini-electric 2-gulong na sasakyan?
A3: Dapat bigyan ng pansin ang mga sumusunod:
(1) Tandaan gumamit ng safety helmet.
(2) Hindi maaaring magdagdag, magbawas o magpalit ng mga electronic control device o orihinal na standards, at maaaring magdulot ng madaling pagkasunog ng sasakyan.
(3) Hindi maaaring umangkas ng tao o humigit sa bilis na 25 km per oras.
(4) Hindi maaaring magmaneho nang nakainom ng alak.
(5) Hundi maaaring sumakay o magmaneho ng sasakyang hindi pa nasusuring kwalipikado.
Q4: Aling web page ang maaaring tingnan para sa mga tanong kaugnay sa insurance at rehistrasyon ng mini-electric 2-gulong na sasakyan?
A4: Tingnan ang https://www.mvdis.gov.tw/m3-emv-car/car/electricBicycles/eBicyclesDoc ng Highway Bureau, Ministri ng Transportasyon para sa mga tuntunin sa rehistrasyon, mga bagay na dapat bigyan ng pansin, at ang mapagtatanungan ng ukol sa mini-electric sasakyan sa bawat Motor Vehicles Office.
Q5: May tuntunin ba sa pagmaneho ng mini-electric 2-gulong na sasakyan sa Lungsod ng Taipei?
A5: Batay sa tuntunin sa Order Bilang 1113047438 sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei, bawal dumaan ang mini-electric 2-gulong na sasakyan sa mga sidewalk at bike lane (bukod sa bike lane sa Hepin) sa Lungsod ng Taipei simula sa Nobyembre 30, 2022.
Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Transportasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei