Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang proseso ng pag-aayos sa mga kasong reklamo sa hindi pagkakaunawaan sa pamimili?

Pagkatapos matanggap ng Sentro ng Serbisyo sa mga Mamimili ang kasong reklamo, sumusunod ang prosesong pag-aayos:

(1) Matapos tanggapin ng Sentro ng Serbisyo sa mga Mamimili ang isinulat na reklamo ng mamimili (unang beses ng reklamo), ipinapadala sa ahensyang tagapagpaganap ayon sa kalikasan ng reklamo batay sa tuntunin sa Ordinansa sa Proteksyon ng Mamimili Art. 31. Pagkatapos tanggapin ng bawat ahensyang tagapagpaganap, nagbibigay ng liham sa inirereklamong tindahan na magbigay ng nakasulat na sagot ayon sa tuntunin sa Ordinansa sa Proteksyon ng Mamimili Art. 43 o direktang makipag-usap sa nagreklamong mamimili.


(2) Kapag walang angkop na pag-aayos sa unang beses ng reklamo, maaaring gumawa ng pangalawang beses ng reklamo o mag-apply ng pag-aayos upang magkasunduan. Sa pangalawang beses ng reklamo, ang opisyal sa proteksyon ng mamimili ay magpapadala ng liham sa parehong mamimili at nagtitinda upang dumalo sa pagpupulong at makipag-ayusan.


(3) Kapag wala pa ring angkop na pag-aayos sa pangalawang beses ng reklamo, maaaring mag-apply ang mamimili ng pag-aayos upang magkasunduan at pamumunuan ito ng miyembro ng mediation committee mula sa pamahalaan.



Pinagmulan ng Impormasyon: Kawanihan ng Legal Affairs sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei