Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang gagawin kapag nakatanggap ng abiso sa paglabag ng Environmental Protection Act? Paano dapat bayaran ang multa sa tiket kaugnay sa proteksyon ng kapaligiran?

A. Kapag nakatanggap ng abiso sa paglabag ng magkakaibang tuntunin sa Environmental Protection Act, maaaring magsulat ng pagsasaad ng opinyon ukol sa nilalaman ng reklamo at ipadala sa fax o sa koreo sa Environmental Protection Inspection Team. Pagkatapos matanggap ito ng Environmental Protection Inspection Team, tutukuyin kung magpapataw ng parusa ayon sa nilalaman ng isinaad. Kung kinakailangang parusahan, magpapadala ng sulat ng pagpasya at tiket sa pagbayad ng multa batay sa administratibong proseso.

B. Pagkatapos matanggap ng publiko ang sulat ng pagpasya sa paglabag ng Environmental Protection Act at tiket sa pagbayad ng multa, maaaring magbayad ng multa sa sumusunod na paraan:

1. Gamitin ang cell phone o kompyuter at magbayad ng multa sa PAY.TAIPEI. Maaari ring magbayad sa paggamit ng credit card.

2. Magbayad sa paraang paglipat ng pera sa ATM account number na nakasulat sa bill.

3. Dalhin ang bill at magbayad sa alin man sa 4 na convenience store (7-11, Family Mart, Hi-Life, OK), sa post office o sa Fubon Bank.

Para sa anumang tanong sa pagbabayad ng multa, maaaring tumawag sa telepono: 02-25923600 ext. 277