Sa kasalukuyan, walang nakatakdang limitasyon sa oras ng paggamit pero upang magbigay ng paalala sa oras ng paghihiram at mabawasan ang anumang suliranin na dulot ng hindi wastong pagsauli sa bisekleta, nagbibigay ng abiso sa paraang pagpapadala ng mensahe sa mobile phone sa mga nakapaghiram ng bisekleta at hindi pa naibabalik makaraan ang 4 na oras. Hinahanap ng sistema sa pagpapaupa at pagpapahiram bawat oras ang mga bisekletang hindi pa naibabalik at nagpapadala ng mensahe bawat isang oras sa mobile phone ng nakapaghiram ng bisekleta nang mahigit 4 na oras at hindi pa naibabalik.
Upang maiwasan maistorbo ang publiko sa pagpapadala ng mensahe sa gabi, ginagawa ang pagpapadala ng mensahe sa pagitan ng 8:00 hanggang 22:00 lamang. Ipinapaalala sa publiko na progressive rates ang bilang sa bayad ng pag-upa kapag humigit sa 4 na oras at ibalik agad ang bisekleta kapag hindi na kinakailangang gamitin. Kapag may dudang ninakaw, makikipag-ugnay sa pulisya at hihingi ng tulong imbestigahan depende sa sitwasyon.
Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Transportasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei