Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Naimbestigahang illegal ang pagtayo ng aking bahay at sapilitang tatanggalin ng Construction Management Office. Kapag nag-apela ako, maaari bang hindi muna gibain ang aking bahay?

Batay sa tuntunin sa Administrative Appeal Act Art. 93, ang pagpapatupad ng orihinal na parusa bukod sa ibang tuntunin sa batas, ay hindi matitigil dahil sa apela mo kaya sa prinsipyo, itutuloy ng Construction Management Office ang paggiba. Kung inaakala mong may pangangailangang itigil ang pagpapatupad, maaaring gumawa ng aplikasyon sa pagtigil ng pagpapatupad sa orihinal na ahensyang gumawa ng hatol sa parusa o sa Pamahalaan. Susuriin ng orihinal na ahensyang gumawa ng hatol o ng Pamahalaan kung may pangangailangang itigil ang pagpapatupad nang ayon sa Administrative Appeal Act Art. 93-2.



Pinagmulan ng Impormasyon: Kawanihan ng Legal Affairs sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei