Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paano pipigilan ng Department of Environmental Protection ang mga sasakyang gumagawa ng ingay?

1. Isang espesyal na programa ng Departamento ng Pulis, Motor Vehicles Office at Departamento ng Proteksyon sa Kapaligiran, nagsasagawa ng inspeksyon sa pagbabagong ginagawa sa mga motorsiklo, nagsasagawa ng pagsusuri ng tunog sa 

mga sasakyang hinarang at pinatigil, at kapag sumobra sa standard, mabibigyan ng abiso at takdang panahon upang mabago.

2. Sa mga motorsiklong ni-report ng publikong gumagawa ng ingay, bibigyan ng abiso sa pagsusuri, kapag sumobra sa standard pagkatapos ng pagsusuri o hindi nagpasuri, mabibigyan ng parusang pagbayad ng multa mula NT$1,800-3,600. Kapag may natuklasang sasakyan na maingay at nakakagambala sa katahimikan, maaaring i-report ang oras, lugar, modelo ng sasakyan, plate number ng sasakyan at iba pang impormasyong pagpapatunay (tulad ng litrato) sa website ng Departamento ng Proteksyon sa Kapaligiran (kailangan punan ang pangalan at personal na impormasyon).

3. Matapos suriin at nakapasa sa inspeksyon ang mga sasakyan (ina-upload sa cloud database ang impormasyon ng tambutso ng nakapasang sasakyan), hindi pinapayagang gumamit ng iba pang hindi sertipikadong mga tubo ng tambutso na maaaring makagambala sa kapayapaan ng kapaligiran ng pamumuhay ng ibang tao. Kapag nai-report o natuklasang muling nagpalit ng tambutso ang sasakyang nakapasa sa pagsusuri, mapaparusahan ng multang NT$3,000 – 30,000 upang epektibong mapigilan ang kasanayang pagbabago ng mga tubo ng tambutso na nakakagambala sa kaligtasan at kapayapaan.