Kapag natuklasang sira ang sistema, parking dock o bisekleta sa istasyon ng YouBike, tumawag sa 1999 ext. 5855, 02-89788822 (may bayad) o i-report sa YouBike2.0 APP at aayusin ito ng YouBike Co. sa pinakamadaling panahon.
Upang matiyak ang iyong kaligtasan sa paggamit ng bisekleta, maaaring suriin ang kalagayan ng bisekleta bago hiramin. Maaari bang i-adjust ang taas ng bisekleta, tuwid ba ang harapan ng bisekleta, suriin ang presyon ng gulong at tiyakin ang paggamit ng preno sa harap at sa likod. Kapag may nakitang hindi maayos na kalagayan sa bisekleta, ibalik agad sa parehong istasyon kung saan hiniram sa loob ng 5 minuto at hindi magsisingil ng bayad. Matapos ibalik ang bisekleta, hindi rin magkakaroon ng limitasyong hindi maaaring ituloy ang paghiram ng bisekleta sa loob ng 15 minuto. Maaaring humiram agad ng ibang bisekleta. Ibaligtad ang paglagay ng upuan upang makita ng mga tauhan para kunin at ayusin agad ang sasakyan.
Ipapasan ng kumpanya ang mga gastos sa pag-aayos ng sirang hindi nagmula sa maling paggamit at hindi hihingi ng kabayaran mula sa taong gumagamit.
Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Transportasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei