Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2021 Philippine Masskara Festival Nobyembre 12 (Biyernes) – Nobyembre 28 (Linggo) sa Qingguang Commercial Area! (11-2)

Smile~ pinakamagandang positibong enerhiya! Naririto na ang Masskara Festival ng Pilipinas mula Nobyembre 12 (Biyernes) – Nobyembre 28 (Linggo), 2021 at may 2 pangunahing tema na magdadala sa iyo upang maranasan ang masaya at masiglang kultura ng Pilipinas!

1. Magcheck-in sa Qingguang Commercial Area
(1) Masskara House sa loob ng Qingguang Market
(2) Qingguang Park paggaganapan ng Masskara Festival aktibidad
Kumuha ng litrato sa nasabing 2 lugar, i-upload ang larawan sa Facebook at i-tag #Taipei City New Immigrants’ Hall at maaaring magpalit ng limited na kakaibang facemask!
Nobyembre 12 (Biyernes) – Nobyembre 14 (Linggo)、Nobyembre 19 (Biyernes) – Nobyembre 21 (Linggo), may karagdagang voucher NT$100, maaaring gamitin sa Qingguang Commercial Area! May hangganan ang supply!
*** Saan magpapalit ng facemask at voucher: sa Masskara House **

2. Pagpapakilala ng Kultura ng Pilipinas
(1) Kultura ng Pilipinas sa Wanhua New Immigrants' Hall
Petsa: 11/13 (Sabado)、11/20 (Sabado)、11/27 (Sabado)
Oras: 10:00-12:00 umaga
Lugar: 4F, Wanhua New Immigrants' Hall
Paksa: Pagpapakilala sa kultura ng Pilipinas + Pagkukulay DIY ng masskara

(2) Masskara House sa Qingguang Palengke
Oras: 10:00-19:00
Paksa: Pagpapakilala sa kultura ng Pilipinas + Pagkukulay DIY ng masskara (hindi kinakailangan magparehistro)

Petsa ng Pagpapahayag

2021-11-16