Sa pagsapit ng Moon Festival, huwag magdala o bumili ng produktong may karne ng baboy o mooncake na may sangkap na karne mula sa ibang bansa upang maiwasan ang African swine flu.(9-5)
Kapag nahuling lumabag sa regulasyon at may dalang produkto na karne ng baboy mula sa bansang naapektuhan ng African swine flu sa nakaraang 3 taon, may parusang pagbayad ng multang NT$200,000 sa unang beses ng paglabag at NT$1,000,000 sa pangalawang beses ng paglabag. Kapag lumabag sa regulasyong pagpasok ng produktong may karne ng baboy sa paraang pagpapadala sa delivery at cargo, maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng 7 taon o paibaba at may kasamang pagbayad ng multang hindi hihigit sa NT$3,000,000.
Ang dayuhan na lumabag sa nasasaitaas na pagdala ng produktong karne ng baboy papasok sa bansa, walang pagkilanlan na may hawak na resident certificate sa bansa, naparusahan ng pagbayad ng multang NT$200,000 at hindi makapagbayad sa takdang oras, ay ipapadala ng Bureau of Animal and Plant Health Inspection and Quarantine, Council of Agriculture sa Ministry of Interior National Immigration Agency upang matanggihan ang pagpasok sa bansa.
2021-09-15