Paggabay sa Pagkuha ng Sertipiko sa TQUK Internasyonal Barista (2-17)
Isinasagawa ng Opisina ng Distrito ng Zhongzheng sa Lungsod ng Taipei ang pag-aaral para sa mga bagong imigrante sa Abril 30 – Hunyo 29, 2025, bawat Miyerkoles (18:00~21:00) at Sabado (09:30~12:30、13:30~16:30) sa 2F, No. 14, Lane 315, Sec. 2, Zhonghua Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei (sa tabi ng Nanjichang Community Center). Sa Hunyo 29 (Linggo), gagawin ang pagsusuri, pagtatanghal ng natutunan at salu-salo ng mga mag-aaral. Nakatakdang may 17 beses ng pag-aaral para sa kurso sa kape. Magsisimula ang online rehistrasyon sa Marso 3, 2025, 9:30 umaga. Ang pagrehistro ng mga mag-aaral ay sang-ayon sa pagkakasunud-sunod ng oras ng pagrehistro hanggang mapuno ang bilang ng tatanggapin na mag-aaral. Malugod na inaanyayahang magrehistro at sumali ang mga kwalipikadong bagong imigrante. Para sa iba pang detalye, maaaring tumawag kay Miss Chang, 2341-6721 ext. 317. Link sa rehistrasyon: https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/Home/Register/35
2025-02-26