Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

9/18 Philippine Masskara Festival, may mga bagong imigrante mula sa iba’t ibang bansa, dayuhang manggagawa, lokal komunidad, kasama ang mga mamamayan, magsuot ng masskarang may ngiti at magsuot ng kakaibang kasuotan, maranasan ang masigla at masigasig na Philippine Masskara Festival !!! (9-3)

1. Aktibidad sa Qingguang Market
9/12(Lunes) ~ 9/18(Linggo) Kumuha ng selfie litrato sa alin mang tindahan sa loob ng Qingguang Market, i-upload sa FB o sa IG, maaaring magpalit ng NT$100 cash voucher sa Masskara Festival Service Counter sa Qingguang Market! Limitado ang bilang, magmadaling kumilos!!!

2. 9/18 (Linggo) Masskara Festival Parade
 ◆ Pagtitipon --- 13:00-14:30 Magreport ang mga kasaling grupo sa parada sa St. Christopher’s Church (No. 51, Sec. 3, Zhongshan N. Road)
 ◆ Pagsali ng Publiko --- 14:00-15:00 Maaaring kumuha ng masskara sa harapan ng EEC Global TK at RJ Supermart. 15:00 isuot ang masskara at sumali sa parada!
 ◆ Parada – 15:00 Magsisimula ang parada mula sa St. Christopher’s Church, dadaan sa Zhongshan N. Road Sec. 3 at sa Jin Won Won Commercial Bldg., kakaliwa sa Nong-an St., kanan sa Linsen N. Road, muling kakanan sa Zhuangcheng St. Lane 13 papasok sa Qingguang Park.
 ◆ Pagtapos ng Parada – 16:00-17:00 Qingguang Park

3. 9/18 (Linggo) Catwalk Competition
16:00 Papasok ang mga kasaling grupo sa parada nang ayon sa bilang sa Show Area sa Zhuangcheng St., dadaan sa red carpet papuntang entablado kung saan gagawa ng pose o sisigaw ng slogan ng grupo. Pipili ang mga tagasuri sa main organizer ng 5 parangal sa Pinakamagandang Masskara, Pinakamagandang Kasuotan at Itsura, Pinakamahusay na Stage Composure, Pinakasikat na Grupo at Pinakamahusay na Grupo!

Petsa ng Pagpapahayag

2022-09-06