Nasyonal Imigrasyon Ahensya Magsisimula na ang Taon 2023 Survey sa Pangangailangan ng Bagong Imigrante sa Kabuhayan (5-18)
Upang maunawaan ang kalagayan sa buhay at pangangailangan sa serbisyo kaugnay sa mga bagong imigrante sa Taiwan, ipinagkatiwala ng Ministri ng Interior Nasyonal Imigrasyon Ahensya (NIA) ang DSIGroup na magsagawa ng “Taon 2023 Survey sa Pangangailangan ng Bagong Imigrante sa Kabuhayan” mula Hunyo hanggang Oktubre 2023. Ipinapaalala ng NIA na makibagay ang taong makakapanayam sa pagtatanong. Ang taong gagawa ng interbyu ay may suot na ID sa panahong gagawin ang panayam at may dalang mga nagpapatunay na dokumento. Susundin ang mga kaugnay na probisyon ng Personal Data Protection Act at gagamitin lamang ang mga naipon na impormasyon sa pagsusuri sa istatistika. Ang mga resulta ng pananaliksik sa darating na panahon ay gagamitin bilang sanggunian ng pamahalaan sa pagsulong ng iba’t ibang programang pagsisilbi sa bagong imigrante. Ipinahayag ng NIA na ang survey sa pangangailangan ng bagong imigrante sa kabuhayan ay nagsimula sa 2003 at isinasagawa minsan sa bawat 5 taon. Hanggang sa kasalukuyan, naisagawa na ito nang 4 na beses. Sa survey ngayon, may 10,000 talatanungan ang gagawin sa paraang siyentipikong sampling. Sakop sa mga tanong ang basic impormasyon ng bagong imigrante, trabaho, kalagayan ng mga miyembro sa pamilya, pagsasanay sa kabuhayan, pangangailangan ng paggabay at pakikilahok sa lipunan, at kasama na rin ang plano sa pangangalaga sa kabuhayan sa pagtanda at ang naramdaman o pagtanggap sa kapaligiran ng pamumuhay sa Taiwan. Nakatakdang ipapahayag ang resulta ng survey sa susunod na taon (2024). Binibigyan-diin ng NIA, hindi hinihingi sa pakikipanayam ang ID, libreta sa bangko o impormasyon ng account sa bangko. Huwag rin mag-alala ang nakikipanayam. Kung may anumang tanong tungkol sa survey, maaaring makipag-ugnay sa DSIGroup, telepono: 02-23315133 ext. 601-604 o sa Nasyonal Imigrasyon Ahensya, telepono: 02-23889393 ext. 2370.
2023-06-02