Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

​Bagong Imigrante sa Lungsod ng Taipei, wala pang Taiwan ID at nagdaranas ng kakaibang sitwasyon, maaaring mag-apply ng emergency subsidiyang pangkabuhayan mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei Kagawaran ng Kapakanan sa Lipunan (7-1)

Dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19, nahulog sa kahirapan ang maraming bagong imigranteng wala pang Taiwan ID at ang kanilang mga pamilya. Kung kwalipikado ang bagong imigrante sa kaugnay na regulasyon sa kinikita at nasuring nagkaroon ng malaking pagbabago sa kabuhayan sa loob ng nakaraang 3 buwan at nagdulot ng kahirapan sa pamumuhay at salapi, hindi dahil sa sariling pananagutan, pangungutang o sariling kagustuhan na mawalan ng trabaho ang dahilan nitong malaking pagbabagao, ang bagong imigranteng walang ID na nakatira sa Lungsod ng Taipei ay maaaring mag-apply ng emergency subsidiyang pangkabuhayan mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei Kagawaran ng Kapakanan sa Lipunan 


Para sa mga hakbang sa pag-apply at kaugnay na impormasyon, tingnan ang Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei Kagawaran ng Kapakanan sa Lipunan  Subsidiya sa Pamilyang nagdaranas ng kakaibang sitwasyon :Kaugnay na Impormasyon

Maaaring tumawag sa telepono: 1999 (02-27208889 kapag mula sa ibang county o lungsod) ext. # 6969 Miss Chen.

Petsa ng Pagpapahayag

2021-07-06