Mag-ingat at huwag lumabag sa batas! Pinagbabawal na ang e-cigar at labag sa batas ang paggamit nito! (3-2)
Sang-ayon sa tuntunin sa Tobacco Hazards Prevention Act, ipinapaalala sa iyo na pangkalahatang ipinagbabawal na ngayon ang electronic cigarette (vape). Ang legal edad sa taong maninigarilyo ay itinaas sa 20 taon gulang at sakop na rin ang mga kolehiyo, kindergarten at daycare center sa mga lugar na bawal manigarilyo. Ipinapaalala sa iyo na may panganib ng second-hand smoke at third-hand smoke at posibilidad ng pagdulot ng kanser ang pangkaraniwang sigarilyo, e-cigar at heated cigarettes. Kapag nais magkaroon ng propesyonal na pagpapayo sa medikal na bagay, maaaring tumawag sa 0800-636363. Inaanyayahan ka ng Health Promotion Administration na magkasamang ipatupad ang “Tanggihan ang Sigarilyo, 3 Hindi” – Hindi magsusubok, Hindi bibili, at Hindi irerekomenda, makakatipid sa pera at magtamo ng kalusugan.
2025-03-11