Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas Nagsimulang Maglathala ng 《Taiwan Panorama Magasin》bawat 2 buwan sa 3 wika ng Timog-Silangang Asya mula Disyembre 2015 (6-6)

Bilang pagtulong sa pagsusulong ng “New Southbound Policy” at madagdagan ang palitan ng kultura sa 3 bansa (Vietnam, Thailand at Indonesia), sinimulan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ang paglathala ng Taiwan Panorama Magasin bawat dalawang buwan sa 3 wika ng Timog-Silangang Asya mula Disyembre 2015 upang mai-promote ang kultura ng Taiwan at mga mahahalagang ulat sa pagpapalalim ng ugnayang relasyon sa dalawang panig.

Mga nilalaman na ulat sa bawat wika ngayong isyu:
(1) Ang pangkalahatang paksa ay Prutas sa Taiwan, may apat na ulat: “Tutoong Masarap – Taiwan Dates at Pinya”, “Kakaiba – Paggamit sa Prutas ng Taiwan”, “Ikonekta ang Mundo sa Prutas - Mga Puno ng Prutas Laki sa Taiwan”, “Ikonek ang mga Magsasaka at Namimili”, nagpapakilala sa mga prutas sa Taiwan, pagtatanim at paggamit, paglalahad sa magkakaiba at masaganang lasa ng mga prutas sa Taiwan.
(2) Ulat sa Kilalanin ang Taiwan: “Ecological Garden sa loob ng ciudad – Shoushan sa pagpapakilala ng guide”, nagbabahagi sa mga mambabasa sa Timog-Silangang Asya sa pagpapakilala ng kaibahan ng nasyonal park.
(3) Espesyal na Proyekto sa Timog Silangang Asya: “Chinese Direktor naghabol ng pangarap sa Taiwan – He, Wei-Ting at Li, Yong-Chao”, pagpapakilala sa Malaysian director He, Wei-Ting at Myanmar director Li, Yong-Chao at ang kuwento ng kanilang likha sa Taiwan, sumikat sa International Film Festival.

Maaaring basahin ang Panorama e-magasin sa iba’t ibang wika sa opisyal website na https://www. taiwan-panorama.com.tw


Petsa ng Pagpapahayag

2022-06-20