Simula ngayon, maaari nang mag-apply online ang mga dayuhang manggagawa ng single re-entry permit. (9-2)
Ayon sa umiiral na regulasyon ng Immigration Act, kapag ang dayuhang manggagawa ay aalis sa bansa sa panahon ng kanyang pagtira rito sa Taiwan ngunit babalik dito sa Taiwan, ang dayuhang manggagawa ay mag-aapply ng re-entry permit sa National Immigration Agency (NIA) bago umalis sa bansa. Mula ngayon, maaari nang mag-apply online ang mga dayuhang manggagawa ng single re-entry permit, kapalit sa dating kinakailangang pumunta sa opisina ng NIA at idinidikit sa pasaporte ang sticker ng re-entry permit.
Hindi limitado ang oras ng paggawa ng aplikasyon sa sistemang online. Maaaring gumawa ng aplikasyon para sa single re-entry permit 24 oras bawat araw, pati na tuwing Sabado, Linggo at tuwing opisyal na holidays. Matapos maaprubahan (2 araw ng trabaho), i-download at i-print out ang file sa A4 na papel. Maaari pa ring pumunta at mag-apply sa NIA service station, at ang service station ang mag-print out ng re-entry permit.
Gamitin ang sistemang online aplikasyon:
https://coa.immigration.gov.tw/coa-frontend/foreign-labor
2019-09-02