Pina-extend ang panahon sa pagpaparehistro! Lungsod ng Taipei Vocational Development Institute at Kagawaran ng Sibil Gawain 7/12-10/29 magkasamang magsasagawa ng “Pagsisilbi bilang Tagapag-alaga ng Ina pagkatapos magsilang ng sanggol at Pag-aalaga sa Bata – Kurso para sa Bagong Imigrante”(6-1)
Bilang pagtugon sa epidemya, ini-extend ang panahon ng rehistrasyon hanggang Hunyo 30 at gagawin ang pag-anunsyo sa pangalan ng mga nakuhang mag-aaral sa Hulyo 2!
Inaanyayahang sumali at magparehistro ang mga interesadong bagong imigrante! Pag-aralan ang pangangalaga ng sanggol at pangangalaga sa bagong panganak na ina. Pagkatapos ng pag-aaral, magbibigay ng tulong sa pag-eksamen, pagkuha ng sertipikasyon at lisensya.
Petsa ng Pag-aaral: 2021/7/12-8/30、 9/17、9/29、10/1-10/29,tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes, 09:10-16:10
Lugar: Vocational Development Institute sa Lungsod ng Taipei (No. 301 Shitong Road, Distrito ng Shilin, Lungsod ng Taipei)
Kwalipikasyon: Mga bagong imigranteng nakarehistro (o may tirahan na nakasulat sa Alien Resident Certificate) sa Lungsod ng Taipei, may 20 taon gulang, at may prayoridad ang may basic kakayahan sa wikang Tsino para sa eksamen. May karapatan ang tagapagsagawa na baguhin ang kwalipikasyon at kondisyon sa pagsali sa aktibidad.
Bilang ng tao sa pag-aaral: 25
Rehistrasyon sa online: https://reurl.cc/2b9q0v
Rehistrasyon mula ngayon hanggang Hunyo 30, 2021 (Miyerkoles) 5:00 hapon
Anunsyo sa pangalan ng nakuhang mag-aaral: Hulyo 2, 2021 (Biyernes)
* Mga Paalala:
1. Rehistrasyon sa online (Magdala ng isang 1” litrato at orihinal na ID o ARC sa unang araw ng pag-aaral); Kapag humigit sa 25 katao ang nagparehistro, gagawa ng bunutan upang magpasya sa taong makakasali sa pag-aaral.
2. Pagkatapos ng pag-aaral, magbibigay-gabay sa pagsali sa eksamen sa kakayahan bilang taong tagapag-alaga (isang level) at magbibigay ng tulong sa pagrehistro sa pangatlong beses ng pagsusuri sa taong 2021 (nakatakdang gaganapin sa Nobyembre). Kailangan bayaran nang sarili ang pambayad sa eksamen.
3. Maghanda ng sariling kakainin sa panahon ng training at hindi magbibigay ng pagkain sa tanghalian.
2021-06-09