Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2023 Water Lantern Festival sa Taipei idaraos 11/19 (10-5)

Ang Taipei ay lungsod na napupuno ng magkakaibang kultura

2023 Water Lantern Festival gagawin sa 11/19 (Linggo)15:00~18:00

sa Chengmei Left Bank Riverside Park, Rainbow Bridge at Xikou Wharf

Inaanyayahan ang bagong imigrante mula sa iba’t ibang bansa at mga mamamayan ng lungsod, magkasamang magpalutang ng water lantern

Alisin ang malas at negatibong damdamin, ipagdasal ang suwerte at positibong lakas


Programa ng makulay na aktibidad:

◈ Pagtatanghal sa sining at kultura sa tabi ng ilog

    15:00~18:00 Pagtatanghal sa kanta ng mga bagong imigrante

◈ Paglalaro at Paglalakbay sa Daigdig

    Tapusin ang laro, mangolekta ng tatak at magpalit ng munting regalo.

◈ Pagranas ng Internasyonal Kultura

    Kilalanin ang kultura ng Thailand, Vietnam, Indonesia, Pilipinas at Malaysia.

◈ DIY at Pagpapalutang ng Water Lantern

    15:00~17:00 Water lantern DIY

    17:00~18:00 Paglalagay ng lantern sa tubig sa Xikou Wharf


Impormasyon sa Transportasyon:

◎ MRT: Songshan Station Exit 5, lumakad sa daan sa tabi ng Songshan Ciyou Temple, kumaliwa sa Songhe St., maglakad nang 100m hanggang sa WaterGate No. 4 at pumasok sa tabing-ilog.

◎ Bus sa Lungsod ng Taipei: Sumakay sa 205、286、306、311、605 hanggang Songshan Station, lumakad papuntang Raohe Night Market, lumakad sa daan sa tabi ng Songshan Ciyou Temple, kumaliwa sa Songhe St., maglakad nang 100m hanggang sa WaterGate No. 4 at pumasok sa tabing-ilog.


Petsa ng Pagpapahayag

2023-10-20