New Immigrants’ Hall sa Lungsod ng Taipei Nagbibigay ng Paalala sa Pagpigil ng African Swine Flu, Huwag Bumili o Magdala ng Produktong Karne Papasok sa Taiwan(8-11)
Upang mapigilan at maiwasan ang pagkalat ng African Swine Flu (sakit na trangkaso sa baboy), nagsagawa ang Kagawaran ng Sibil Gawain at Opisina ng Proteksyon sa mga Hayup ng Lungsod ng Taipei, at ang Bureau of Animal and Plant Health Inspection and Quarantine (Keelung Branch) ng aktibidad na pagbibigay ng paalala sa pamilya ng mga bagong imigrante mula Thailand, Kampuchea at Tsina noong Agosto 18 sa New Immigrants’ Hall ng Lungsod ng Taipei. Nagsagawa ng tatlong aktibidad at nagbigay ng paalala na huwag magdadala o bumili ng anumang produkto ng karne mula sa mga lugar na may epidemiko. Maaaring pagbayaran ng multang $200,000 – 1,000,000 ang sinumang mahuling lumabag nito . Pinag-usapan din sa araw na iyon kung maaaring magdala ng iba pang klaseng produkto ng karne at kung maaaring magdala ng itlog at iba pa. Ang African Swine Flu ay nakakahawang sakit ng virus na kumakalat sa mga alagang baboy at sa mga wild boars. Maaaring magkaroon ng impeksyon ang lahat ng uri at edad ng baboy. Ang rate ng pagkakasakit at pagkakamatay ay umaabot sa 100%. Sa kasalukuyan sa Asya, may 7 bansang nagkaroon na ng pagkalat ng sakit – Tsina, Mongolia, Vietnam, Kampuchea, North Korea, Laos at Burma. Malubhang napapanganib ang industriyang pangangalaga sa baboy dahil matagal ang buhay ng mikrobyo ng African Swine Flu (pinalamig na karne 100 araw, frozen karne 1000 araw, babuyan 1 buwan) at walang gamot sa kasalukuyan. Itinakda ng Taiwan na sinumang mahuling may dalang karne mula sa mga lugar ng epidemiko ay pagmumultahan ng $200,000 sa unang pagkakataon at $1,000,000 sa pangalawang beses. Dadalhin sa National Immigration Agency ang dayuhang hindi pa nagbabayad ng naparusahan na multa at hindi papayagang pumasok sa bansa. Paalala ng Kagawaran ng Sibil Gawain, huwag bumili ng mga produktong karne mula sa online sa ibang bansa. Iwasan ang pagpunta sa mga babuyan at farm sa ibang bansa at huwag magdadala ng anumang karne pabalik dito sa Taiwan. Ipagpapatuloy ng Kagawaran ng Sibil Gawain ang pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas sa sakit sa New Immigrants’ Hall.
2019-08-22