Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

2023 Water Lantern Festival sa Taipei – Panalangin para sa Magandang Kapalaran sa Darating na Taon (10-4)

2023 Water Lantern Festival sa Taipei, gaganapin sa 11/19 (Linggo) 3:00 hapon sa Chengmei Juoan Riverside Park‧Rainbow Bridge. Niyayaya kang maglagay ng lantern sa tubig at gumawa ng iyong kahilingan!


Mula 2017, isinasagawa sa Lungsod ng Taipei ang pagdiriwang ng mga mahalagang pista sa Timog Silangang Asya kabilang na ang Water Lantern Festival. Ika-7 taon nang ipinagdiriwang ang Taipei Water Lantern Festival ngayong taon, inaabangan ito ng maraming bagong imigrante, dayuhang manggagawa, exchange students, mga nagtratrabaho at mga mamamayan rito sa Taipei. Sa pagdiriwang ng pista, sana’y magkasama tayong lahat, maranasan ang kultura ng ibang bansa at ipalutang sa tubig ang mga ninanais sa darating na taon ~

Petsa ng Aktibidad: 2023.11/19 (Linggo) 15:00-18:00

Lugar ng Aktibidad: Chengmei Juoan Riverside Park‧Rainbow Bridge.Xikou Wharf


Impormasyon sa Transportasyon:

◎ MRT: Songshan Station Exit 5, lumakad sa daan sa tabi ng Songshan Ciyou Temple, kumaliwa sa Songhe St., maglakad nang 100m hanggang sa WaterGate No. 4 at pumasok sa tabing-ilog.

◎ Bus sa Lungsod ng Taipei: Sumakay sa 205、286、306、311、605 hanggang Songshan Station, lumakad papuntang Raohe Night Market, lumakad sa daan sa tabi ng Songshan Ciyou Temple, kumaliwa sa Songhe St., maglakad nang 100m hanggang sa WaterGate No. 4 at pumasok sa tabing-ilog.


Petsa ng Pagpapahayag

2023-10-17