2025 Pagpapalago ng Kaalaman sa Buhay ng Bagong Imigrante at Pag-aaral ng Magkakaibang Kultura: Workshop sa Kalusugan at Pamamahala ng Functional Fitness (2-16)
Sa pag-unlad ng lipunan at pagdami ng populasyon ng bagong imigrante, naging prayoridad sa patakaran ang pagbabagay, integrasyon at kalusugang pisikal at mental. Sa pakikipagtulungan sa National Taipei University of Nursing and Health Sciences, may apat na pangunahing paksa sa pag-aaral: “Sining ng Komunikasyon at Emosyon”, “Muling Pagkakaroon ng Sigla: Pagsulong sa Kaangkupang Pisikal at Kalusugan”, “Balanse at Pagpawi ng Pagod: Tradisyonal na Pangangalaga at Pagkondisyon sa Katawan” at “Bagong Karanasan: Bagong Pananaw sa Matalinong Kalusugan”. Pinapatibay ang “Kalusugan at Kaangkupang Pisikal” sa mga bagong imigrante, at may kasamang mga promosyon sa tuntunin sa migrasyon, sa pagbabayad ng buwis at iba pa, dinadagdagan ang kakayahan ng bagong imigranteng umangkop sa kapaligiran. Kwalipikasyon sa pagrehistro: Bagong imigrante, asawa ng bagong imigrante o miyembro ng pamilya, mga administratibong tauhan, guro, social worker, pinuno sa komunidad na nagsisilbi sa bagong imigrante Petsa ng Pag-aaral: Mula Abril 7 hanggang Mayo 6, bawat Lunes at Martes 1:30-4:30 hapon, kabuuang 10 beses, 30 oras. Lugar ng Pag-aaral: (1) Yongming Activity Center (10F, No. 115, Sec. 2, Shipai Road, Distrito ng Beitou) (2) National Taipei University of Nursing and Health Sciences, Room F701, 7F, Shuehshi Bldg. (No. 365 Mingteh Road, Distrito ng Beitou) Link sa rehistrasyon: https://iwnet.civil.taipei/NewImmigrants/
2025-02-24