Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Gabayan Kang Sumalubong sa Bagong Buhay – Ugnayan ng Pangarap ng Bagong Imigrante (2-11)

Nakatakdang isasagawa ng Ministri ng Interior, Nasyonal Imigrasyon Ahensya ang “Ugnayan ng Pangarap ng Bagong Imigrante” sa Marso 16, 2025 (Linggo) upang maibahagi ang patakaran ng Taiwan sa pag-recruit at pag-iwan ng mga taong may talento at mga impormasyong may kaugnayan sa trabaho ng mag-aaral sa Taiwan. Sa pamamagitan nitong aktibidad, inaasahang magtamo ng wastong impormasyon ang mga bagong imigrante at mga mag-aaral na may nais maglinang at maiwan sa Taiwan, maayos na maging bahagi ng lipunan at makahanap ng naaangkop na pagkakataon sa paglinang.

Inimbitahan sa aktibidad ang National Development Council at ang Workforce Development Agency sa Ministri ng Labor na magbigay ng lekturang pagbabahagi. Itinipon din ang National Taxation Bureau, ang Police Department sa Lungsod ng Taipei at iba pang pampublikong ahensya, mga samahan ng bagong imigrante para magtayo ng puwesto at magbigay ng pagpapayo at pagkakataong magpalitan ng ideya. May makulay na pagtatanghal, sayaw at karanasang interaksyon sa aktibidad. Maaaring magkamit ng munting regalo ang mga sumali! Inaanyayahang magparehistro at sumali ang lahat!


Petsa: 2025.3/16 (Linggo) 14:00~16:00 Lugar: 5F Assembly Hall sa GIS MOTC Convention Center

(No. 24, Sec. 1, Hangzhou S. Road, Distrito ng Zhongzheng, Lungsod ng Taipei)

Maaaring sumali: Bagong imigrante, anak o kamag-anak ng bagong imigrante

Gastusin: Libre

Nagsisimulang tumanggap ng rehistrasyon mula ngayong araw (hanggang mapuno lamang ang bilang ng tatanggapin)

https://feversocial.com/46526/Accompany-Of-Your-Future-34037


Petsa ng Pagpapahayag

2025-02-20