Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei Dinagdagan ang Relief sa 9 Kategorya at Tinaasan ang Halaga ng Pautang sa mga Industriya (6-5)
Sinimulan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei sa petsang ika-8 ngayong buwan ang pagtupad ng programa sa pagkuha ng libreng rapid swab test kit. Ipinahayag ng Kagawaran sa Kalusugan sa Lungsod ng Taipei na naibigay nitong Hunyo 7-8 ang mga rapid swab test kit sa pondo ng pamahalaan sa 19 ospital namamahala sa emerhensyang pagligtas (National Taiwan University Hospital, Taipei Veterans General Hospital, Tri-Service General Hospital Main Branch and Songshan Branch, Wanfang Hospital, Mackay Memorial Hospital, Shinkong Hospital, Taipei Medical University Hospital, Cathay General Hospital, Cheng Hsin General Hospital, Taipei Chang-Gung Memorial Hospital, Adventist Hospital, West Garden Hospital, Pojen General Hospital, Taipei City Hospital (Ren-ai Branch, Zhongxiao Branch, Yang-ming Branch, Zhongxing Branch, Heping Branch) at 312 takdang klinika. Maaaring mabigyan ang publiko ng libreng swab test kit matapos ang pagsusuri ng doktor sa pangangailangan ng swab test ayon sa kondisyon ng COVID-19 sakit, historya sa paglalakbay, pagtitipon, malapit na ugnayan o trabahong may mataas na panganib, walang limitasyon sa rehistrasyon ng tirahan o sa nasyonalidad at hindi kailangan ng appointment. Maaaring i-download muna ang TaipeiPASS, scan ang QR Code at dito magpunan ng impormasyon upang hindi mag-aksaya ng oras.
Ipinahayag ni Mayor Ko Wen-Je ng Lungsod ng Taipei sa press conference ng pag-iwas sa epidemya sa Lungsod ng Taipei, pagkatapos ng siyam na relief program sa panukala ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei noong Mayo 27, dinagdagan muli ng mas madaming hakbang na subsidiya sa pagbibigay ng konsiderasyon sa epekto ng epidemya sa iba’t ibang industriya. Sakop sa mabibigyan ng subsidiya ang mga tindahan sa pampublikong pamilihan at mga nangungupahan sa pamilihan, mga mamamayan na nagdaranas ng hirap sa buhay dahil sa epekto ng epidemya sa kanilang trabaho, mga daycare centers, tagapag-alaga ng bata (babysitter), mga ahensya o organisasyon sa sining at kultura, mga nabigyan ng awtoridad sa sasakyan ng mga mag-aaral na may kapansanan, mga sheltered workshops at iba pa. Itinaas din ang halagang pautang sa mga medium at maliit na industriya at sa mga kabataang magsisimula ng bagong negosyo upang makatulong sa mas marami pang tao at hanapbuhay. Nasa ibaba ang paliwanag sa kaugnay na hakbang sa relief programa:
1. Proyektong pagbigay ng relief sa nagtitinda sa palengke: Sa pagbibigay ng konsiderasyon ng Taipei City Market Administration Office sa malubhang COVID-19 epidemya sa bansa sa Mayo, 2022 at malalang epekto sa negosyo ng mga nagtitinda, dadagdagan ang relief tulong sa mga nagtitindang may puwesto at sa mga nangungupahan sa pampublikong pamilihan. Bukod sa bawasan ng 50% ang upa ng Mayo hanggang Hulyo 2022, magbibigay ng 50% subsidiya sa upa ng buwan ng Mayo hanggang Hulyo 2022.
2. Emerhensyang tulong dahil sa epidemya: Sa mamamayan ng Lungsod ng Taipei at nalagay sa kahirapan ang buhay dahil sa epekto ng epidemya sa trabaho sa loob ng tatlong buwan, maaaring magbigay ng katibayan ng epekto ng epidemya sa trabaho at katibayan ng paghihirap sa buhay at mag-apply ng halagang NT$3000 sa Social Welfare Section ng Opisina ng distrito kung saan nakarehistro ang household rehistrasyon, sa Social Welfare Service Center ng lugar ng tirahan, mag-apply sa counter o sa pagpapadala ng sulat o mag-apply online sa service.gov.taipei (hindi limitado sa 1 tao ang mag-apply sa household na may miyembrong nagtratrabaho)
3. Subsidiya sa ahensyang daycare at sa pangangalaga sa bata sa bahay dahil sa pagtigil sa pangangalaga at pagsauli ng pera sa panahon ng epidemya: Dahil sa epidemya sa Abril hanggang Hunyo, 2022 at natigil ang pangangalaga sa mga bata, nagsauli ng pera sa mga nagpositibo, magkamag-aral o mga institusyong nakisama sa pagtigil ng pangangalaga sa bata at kusang itinigil ng magulang ang paggamit ng daycare dahil sa epidemya, magbibigay ng subsidiyang kalahati ng halagang tutoong ibinalik ng institusyon, at magbibigay ng takdang halaga ng subsidiya sa bawat babysitter na nagsauli ng pera.
4. Bayarin sa pag-upa sa paggamit ng art at cultural hall: Sa mga lugar ng pagganap ng sining at kultura na pinapamahalaan ng Kagawaran ng Kultura, tumulong sa pagkakasundong baguhin ang araw ng pagtanghal dahil sa pagpapaliban ng pagtanghal gawa ng epidemya. Kapag nakansela ang pagsasagawa, isasauli ang buong halaga ng upa at deposito.
5. Pagpapaluwag sa subsidiya sa sining at kultura: Sa mga nagtamo ng planong subsidiya sa sining at kultura mula sa Kagawaran ng Kultura sa taon 2022 ngunit naantala ang pagsasagawa ng aktibidad dahil sa epekto ng epidemya, maaaring ipagpaliban at tapusin ang pagsasagawa bago Marso 31, 2023 at hindi kasama sa paghihigpit na isang beses na pagpapalit sa plano.
6. Relief programa sa nakakontratang sasakyan para sa mga mag-aaral na may kapansanan sa katawan at isip: May 7 nakakontratang kumpanya na nagsisilbi sa paghatid ng mga mag-aaral na may kapansanan sa katawan at isip sa pag-aaral, may subsidiyang NT$10000 sa bawat sasakyan sa pangalawang semestro sa schoolyear 2021.
7. Proyektong pagbigay ng relief sa pagpapatakbo ng mga sheltered workshops: Magbibigay ang Foreign and Disabled Labor Office sa Lungsod ng Taipei ng subsidiya sa 43 rehistradong sheltered workshops sa Lungsod ng Taipei, sakop ang subsidiya sa pagpapatakbo, upa, gastusin sa tauhan, gastos sa produkto at sa marketing at iba pang gastusin. May pinakamataas na NT$120,000 subsidiya sa bawat sheltered workshop.
8. Pagtaas ng halaga sa relief na pautang sa mga industriya: Ang Department of Economic Development sa Lungsod ng Taipei ay magbibigay ng pautang sa mga small and medium scale industries at sa negosyo ng mga kabataan sa sumang 1.15 bilyon upang mabawasan ang epekto ng epidemya sa mga negosyo. Nakatakdang itaas ang halaga ng madaliang pautang mula Hunyo 15, 2022, mula 800,000 na pautang sa small and medium scale industries itinaas hanggang 3 milyon, at mula 500,000 sa negosyo ng mga kabataan itinaas hanggang 1.2 milyon. Madali at simple ang pag-apply, mabilis ang ebalwasyon at may 3 buwan palugit sa pagbayad ng prinsipal. Upang mapalawak ang kahusayan ng pagsisilbi sa mga kasong ito, bukod sa Fubon Bank, idinagdag ang E.Sun Commercial Bank upang mapagpilian ng mga industriyang nag-aaply sa pautang. Bukod rito, maaaring mag-apply ng 6 na buwan hanggang 1 taon extension sa pagbayad ng prinsipal o interes sa mga hindi pa nakatapos sa pagbayad ng dati nilang inutang. Maaaring mag-apply nito mula ngayon hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Sa huli, ipinahayag ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei, patuloy na tatalakayin ang mga kaugnay na hakbang batay sa kalagayan ng epidemya upang matulungan mapanatag ang loob ng mamamayan sa paglaban sa epidemya at magkasamang makaraos sa pagsusubok na ito. Kung nais na magkaroon ng mas malalim na pag-uunawa sa bawat uri ng relief, maaaring tingnan sa Kagawaran ng Pananalapi sa Lungsod ng Taipei, COVID-19 Relief Program ukol sa kaugnay na hakbang at mga contact. Madaliang link at mga impormasyon sa https://dof.gov.taipei/Content_List.aspx?n=620DCB9F03451B25
2022-06-16