Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Anunsyo: Panukala sa pagpapaluwag ng tuntunin sa Shilin at Wanhua New Immigrants’ Hall mula Nobyembre 2 (11-1)

1. Pangkalahatang pagpapaluwag
2. Tuntunin sa paggamit ng lugar:
(1) Pangkalahatan, dapat gumamit ng facemask sa lahat ng panahon.
(2) Maaaring magtanggal ng facemask tuwing nag-eehersisyo, kumakanta, kumukuha ng litrato (pansarili o grupo) at tuwing kumakain. Dapat pa rin gumamit ng facemask kapag may kaugnay na sintomas o tuwing hindi mapanatili ang ligtas na distansya sa iba’t ibang tao.
(3) Ikinakansela ang hangganan sa bilang ng tao sa pagtitipon at sa kontrol ng daloy ng tao sa pampublikong lugar (kontrol sa kabuuang bilang).
(4) Isang pasukan at labasan.
(5) Pagpapatupad sa sistemang contact tracing at pamamahala sa pangalan ng tao.
(6) Pagsusuri sa hakbang ng pag-iwas sa sakit sa aplikanteng naghihiram ng paggamit sa lugar.
(7) Paglinis at pagdisimpekta ng kamay bago simulan ang aktibidad.
(8) Pagdisimpekta ng mikropono bago at matapos ang aktibidad.
(9) Iba pang tuntunin sa pag-iwas sa sakit mula sa Sentrong Pamahalaan at Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei.
(10) Kapag lumabag sa mga kaugnay na tuntunin sa pag-iwas sa sakit, agarang ipapatigil ang paggamit ng lugar at ipapawalang-bisa ang permiso ng paggamit. Kapag kinakailangan, isasang-ayon sa batas na ipaalam sa kaugnay na awtoridad.

Note: Sumusunod ang kaugnay na hakbang sa pag-iwas sa sakit sa impormasyon mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei at Central Epidemic Command Center (CECC) at maaaring baguhin, isara ang hall at pansamatalang itigil ang serbisyo ayon sa impormasyon. Maaaring tingnan lamang ang pinakabagong impormasyon sa Hall at sa website. Paumanhin po sa anumang abala na naidulot nito.

Petsa ng Pagpapahayag

2021-11-15