1. Panahon ng aktibidad mula Enero 1, 2024 hanggang Disyembre 31, 2024
2. Ang mamamayang may Taiwan passport at may rehistradong lugar ng tirahan sa Taiwan, tapusin ang “Rehistro sa Pag-alis sa Bansa”sa opisyal LINE account ng Kawanihan ng Consular Affairs, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas bago umalis sa bansa o sa kalagitnaan ng paglalakbay sa panahon ng aktibidad, magkakaroon ng kwalipikasyong sumali sa papremyo sa susunod na buwan pagkaraan ng pag-alis sa bansa.
◎ Paalala, batay sa katangian ng serbisyo ng pagrehistro ng pag-alis sa bansa, dapat isagawa ang “Rehistro sa Pag-alis sa Bansa”bago umalis sa bansa o sa kalagitnaan ng paglalakbay sa ibang bansa at hindi na maaaring magrehistro pa matapos bumalik sa Taiwan.
3. Mga premyo bawat buwan:
Unang Gantimpala: NT$5000 Benefit Xpress voucher, 2 tao
Ikalawang Gantimpala: NT$2000 Benefit Xpress voucher, 3 tao
Ikatlong Gantimpala: NT$1000 Benefit Xpress voucher, 5 tao
Ikaapat na Gantimpala: Poke unan sa leeg, 5 tao
※ Note 1: Maaaring gamitin ang Benefit Xpress voucher sa Far Eastern Department Store, Far Eastern SOGO, Uni-President Department Store Taipei, Taipei 101, Big City, Carrefour, RT-Mart, Watson’s, Wowprime, 7-11. Para sa mga detalye ng paggamit, tingnan ang website ng tindahan.
4. Paraan ng Papremyo: Isasagawa ng Kawanihan ng Consular Affairs, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ang pagbunot at pagbigay ng premyo sa publikong lumakbay sa nakaraang buwan,nakumpleto ang “Rehistro sa Pag-alis sa Bansa”sa LINE opisyal account bago umalis sa bansa o sa kalagitnaan ng paglalakbay sa ibang bansa. Iaanunsyo ang listahan ng mga nanalo sa website ng Kawanihan ng Consular Affairs, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa susunod na buwan.
5. Abiso sa nanalo: Magpapadala ng abiso ang LINE opisyal account ng Kawanihan ng Consular Affairs, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa taong nagkamit ng gantimpala. Huwag i-block itong account. Isasagot ng taong nanalo ang mensahe at isulat ang tunay na pangalan, passport number, ID number, e-mail, telepono, mailing address at ipapasa ang litrato ng katunayan sa paglalakbay kabilang ang: ginamit na electronic ticket (may pangalan at lugar na pinuntahan), pasaporte (makikita ang ID number) at ang tatak sa pagpasok sa ibang bansa upang gawing pagsusuri sa kwalipikasyong manalo at katunayan ng pag-alis sa bansa.
6. Ituturing na pinabayaan ang karapatang kumuha ng gantimpala kapag hindi maipadala ang premyo dahil sa mali o hindi kumpleto ang impormasyon o lipas ang panahon, walang kumukuha sa gantimpala at ibinalik na ng post office. Hindi gagawa ng anumang kabayaran ang organizer. Susuriin ng organizer ang mga dokumentong pagpapatunay ng nanalo. Walang bisa ang anumang katunayan na hindi kumpleto, may sira, peke, binago, kinopya o lumampas na sa panahon ng pagkuha ng gantimpala.
7. May limitasyon na isang premyo sa bawat LINE account, bawat tao. Kapag may maraming LINE account ang isang tao, isang gantimpala lamang ang maaaring makamit batay sa ID number. Hindi rin maaaring maulit ang pagkuha ng gantimpala ng parehong tao sa loob ng isang taon.
8. Ang sumali at magkamit ng premyong mahigit sa NT$1,000 ay dapat maideklara at makaltasan ng buwis ayon sa mga regulasyon sa Taiwan. Magpapadala ang Kawanihan ng Consular Affairs ng resibo na dapat punan ng taong nanalo, kalakip ang kopya ng harap at likod ng ID, ibibigay sa organizer para sa mga kaugnay na gawain sa pagdeklara. Ipapadala rin sa taong nanalo ang sertipiko ng withholding tax. Kapag hindi maibigay ng nanalo ang mga kinakailangang dokumento, ituturing ito pabaya sa karapatang magkamit ng gantimpala. Kapag ang nanalo ay menor de edad, kailangang ilakip ang ID ng nanalo at ng legal guardian nito. Kapag wala pang ID ang nanalong menor de edad, dapat ilakip ang kopya ng household registration o orihinal na transcript record (nakuha sa loob ng nakaraang 3 buwan).
9. Ipapadala ang mga gantimpala sa pamamagitan ng Taiwan post office sa lugar ng Taiwan, Penghu, Kinmen, Matsu at nalalayong isla lamang.
10. Hindi maaaring hilingin na palitan, ibigay sa ibang tao o palitan ng pera o iba pang gantimpala ang premyo sa aktibidad.
11. Batay sa tuntunin sa Personal Data Protection Act, ituturing na naunawaan at sumasang-ayon ang taong nakilahok sa pagkuha, pagsasaayos at paggamit ng personal na impormasyon. Hindi maaaring gamitin ng organizer para sa ibang layunin.
12. Nananatili ang karapatan ng organizer sa pagbabago ng nilalaman ng aktibidad at mga detalye sa papremyo, hindi kinakailangan ng paunang abiso at may karapatang gumawa ng paliwanag o desisyon sa lahat ng bagay sa aktibidad. Kapag hindi mapatupad ang aktibidad dahil sa hindi mapigilang dahilan o pagbabago ng pangyayari, may karapatan ang organizer na ikansela, tapusin, baguhin o pansamantalang itigil ang aktibidad. Kung mayroong anumang bagay na hindi natapos, maaaring dagdagan o baguhin sa anumang oras. Ilalagay ang anunsyo ng mga kaugnay na pagbabago sa opisyal website ng Kawanihan ng Consular Affairs, Kagawaran ng Ugnayang Panlabas.