Ang multikulturang aktibidad sa Lungsod ng Taipei ~ Bubur Chacha Carnival ay gaganapin sa Oktubre 13, 2024 (Linggo), 13:00~18:00, sa EXPO Dome sa Yuanshan Flora Expo Park. Iniimbitahan kang dumalo at maranasan ang kasiyahan ng pagdiriwang ng iba’t ibang bansa!
Ang makulay at may maraming laman na Bubur Chacha, ay sikat at paboritong pagkain sa madaming bansa sa Timog Silangang Asya. Matamis ang lasa, may halong prutas at iba’t ibang sangkap, perpektong kombinasyon sa paningin at panlasa na katulad din ng kinaroroonan nating Lungsod ng Taipei na napupuno ng masagana at magkakaibang kultura. Kasabay sa madaming kahulugan ng Bubur Chacha, ipagdiriwang natin ang kagitingan ng Taipei sa buwan ng Oktubre. Iniimbitahan ang lahat na maranasan ang pagdiriwang ng pambansang araw at ang makulay na kultura sa magkakaibang bansa sa Timog Silangang Asya!
Iskedyul ng Makulay na Aktibidad sa 10/13:
◈ Pagtatanghal ng Sining at Kultura
Pagtatanghal sa Kanta at Sayaw ng mga Bagong Imigrante at Bagong Pangalawang Henerasyon
◈Bubur Chacha DIY
◈ Bubur Chacha DIY
Gumawa DIY ng sariling Bubur Chacha
◈ Masasarap na Pagkain
Matamis na pagkain ng Vietnam, Indonesian Kue lapis, Thailand milk tea, Malaysian pandan layered cake, Philippine cheese cassava
◈ Pagranas sa Pagdiriwang ng Pista
Pagkulay sa Vietnam salakot, paglalaro sa pagdiriwang sa Indonesia, DIY ng elepanteng keychain ng Thailand, Malaysia pagsakay sa bisekleta, Pilipinas grupong paglikha ng bahay sa puno
◈ Eksibisyon sa Kulturang Nyonya
Eksibisyong ihinanda ni Chen Seng-Yen, mula sa pinagmulan ng kulturang Nyonya, ang pag-unlad nito, impluwensya at pamana, makulay na isinaad sa paraang larawan, salita at aktuwal na paraan, namumuno sa publikong masulyapan ang karilagan ng kulturang Nyonya.
Impormasyon sa Transportasyon:
MRT: Tamsui Red Line hanggang sa MRT Yuanshan Station, lumakad nang diretso 100 metro mula sa Exit 1.
Bus: 936、936A、937、937 Sub、937A、1356、1356A、1877、1878、1879、2022、9006、9023 hanggang MRT Yuanshan Stop (Yuanshan Bus Terminal); 21、208、218 Straight、246、542、Red 33 hanggang Flora Expo Park (Minzu E. Road)