Nagbago ang mga tuntunin sa paghiram at paggamit ng New Immigrants’ Hall sa Shilin at Wanhua sa Lungsod ng Taipei, at magsisimulang ipapatupad sa Mayo 1.
Mga dapat alamin sa paghiram at paggamit
A. Alinsunod sa: Ayon sa “Mga Panukala sa Pamamahala ng Paggamit ng Lugar sa iba’t ibang Opisina sa ilalim ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei”
B. Paraan at Saklaw ng Paghiram:
(1) Ang saklaw ng mga dapat alamin sa paghiram at paggamit ng New Immigrants’ Hall sa Lungsod ng Taipei ay ang Wanhua New Immigrants’ Hall at ang Shilin New Immigrants’ Hall na nasa ilalim ng Kagawaran ng Sibil Gawain sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei (itatawag na Kagawaran sa susunod).
(2) Oras ng Paggamit:
■ Wanhua New Immigrants’ Hall:
Martes hanggang Linggo (Sarado tuwing Lunes, opisyal na pista at sa mga araw na ipinahayag ng pamahalaan na walang pasok dahil sa natural na sakuna, aksidente o emerhensya o kapag sariling gagamitin ng namamahalang opisina at sa mga kalagayan na tulad ng pagsasaayos o pagkukumpuni at iba pa)
Oras ng Paggamit: 9:00-12:00、13:30-16:30
■ Shilin New Immigrants’ Hall:
Martes hanggang Linggo (Sarado tuwing Lunes, opisyal na pista at sa mga araw na ipinahayag ng pamahalaan na walang pasok dahil sa natural na sakuna, aksidente o emerhensya o kapag sariling gagamitin ng namamahalang opisina at sa mga kalagayan na tulad ng pagsasaayos o pagkukumpuni at iba pa)
Oras ng Paggamit: 9:00-11:30、14:00-16:30
(3) Paghiram ng Hall
Paraan: Mag-apply sa online (https://service.gov.taipei/rental/)
(4) Pagkasunud-sunod sa Aplikasyon:
1. May karapatang mauna sa paggamit ang Kagawaran at ipamahagi ang iba pang mga panahon.
2. Maaaring magpahiram sa iba pang mga panahon ngunit may karapatang mauna ang Kagawaran kapag kinakailangan sa biglaang paggamit
Iba pa: Sa parehong antas ng pagkasunud-sunod at may 2 o higit pang nag-apply sa paggamit sa parehong petsa at oras, mas may karapatan ang naunang nagbigay ng aplikasyon.
C. Pag-apply sa paghiram:
(1) Maaaring mag-apply ng paggamit sa lugar na wala pang ibang nakatakdang aktibidad sa loob ng 90 araw mula sa araw ng paggawa ng aplikasyon. Maaaring hiramin nang 30 beses sa isang aplikasyon. Pagkatapos gumawa ng aplikasyon, ipadala ang mga impormasyon kaugnay sa aktibidad sa tagapangasiwa (bca-lu0917@gov.taipei) para sa ebalwasyon. Hindi aaprubahan ang aplikasyon sa paghiram kapag hindi nakapagbigay ng impormasyon sa loob ng 3 araw o kapag hindi umangkop sa tuntunin sa paghiram. Kapag naaprubahan ang aplikasyon sa paghiram, ilakip sa bawat beses ng paggamit ang talaan ng pangalan ng mga taong dumalo upang magamit ng Immigrants’Hall sa pagsusuri.
(2) Ipinapahiram ang paggamit ng lugar sa pagsasaliksik, pag-aaral, pagsasanay, pagpupulong, pagtitipon, eksibisyon at mga aktibidad sa may kaugnay sa bagong imigrante. Hindi dapat bumaba sa 20% ng taong dumadalo sa aktibidad ang bilang ng mga bagong imigrante o pangalawang henerasyong imigrante kasama sa aktibidad. Ang tauhan sa Immigrants’ Hall ang magpapasya sa pagkilala ng katangian ng aktibidad. Kung matapos ang pagsusuri at natuklasang hindi angkop sa mga tuntunin ang layunin ng paggamit, may kinikitang pera sa pagsasagawa ng aktibidad, may panganib sa pampublikong kaligtasan o maaaring may pinsala sa karapatan ng ibang tao, ititigil agad ng Kagawaran ang pagpapahiram sa pagkakataong iyon at ipapawalang-bisa ang pahintulot sa paggamit. Ititigil nang 3 buwan ang paggamit nitong kasangkot na grupo at iba pang grupong kabilang nito sa anumang lugar sa Immigrants’ Hall at mabibigyan ng 1 beses ng pagtanda.
(3) Kapag ang grupo o publiko ay lumabag sa mga tuntunin nang 3 beses sa loob ng isang taon, ititigil nang 6 na buwan ang pagpapahiram.
D. Maaaring baguhin sa anumang oras ang anumang bagay na hindi naisama rito sa mga dapat alamin.
E. Ipapatupad ang mga tuntunin dito matapos maaprubahan, gayundin ang mga pagbabagong ginawa.