Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/64976/9298101/ef7db089-7611-492a-920f-dd8b6e31fbcd.jpgNagsimula ang Araw ng Patay sa nakaraang ilang libong taon mula sa kultura ng mga tribong Aztec, Toltec at Nahua. Para sa kanila, hindi magalang at hindi dapat magdalamhati para sa mga sumakabilang-buhay dahil isang bahagi ng buhay ang kamatayan at mananatiling buhay ang alaala at espiritu ng mga namatay nang mahal natin sa buhay.


Ang Araw ng Patay sa Mexico ngayon, matapos maimpluwensyahan ng pagsakop ng Espanya at pinagsama ang seremonya at pagdiriwang ng relihiyong Katoliko (All Saints’ Day at All Souls’ Day). Ginaganap bawat taon ang “Pista ng mga Batang Kaluluwa” sa Nobyembre 1 at “Pista ng mga Adultong Kaluluwa” sa Nobyembre 2. Hiwalay na binibigyan ng alaala ang mga bata at matanda. Pansamantalang bumabalik sa sangkatauhan ang mga kaluluwa sa panahon na ito. Nagtitipon ang mga pamilya at magkakaibigan sa Mexico sa araw na ito at ipinagdadasal ang mga patay. Tradisyonal na kasanayan ang magtayo ng sariling altar, at nag-aalay ng mga kending bungo, bulaklak na marigold at mga paboritong pagkain ng namatay. Dinadala at iniaalay ito sa kanilang mga puntod.