Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pag-upa sa Transportasyon

Maunlad ang mga pampublikong highway sa Taiwan, maayos ang maintenance. Bumubuo ng isang kumpletong network ng daan ang Highway No. 1 at No. 3 mula sa hilaga hanggang sa timog at ang mga provincial road sa bawat lugar. Para sa mahilig ng malayang paglalakbay, mula sa kalunsuran hanggang sa lalawigan, magandang pagpilian ang umupa ng sasakyan.


Serbisyong Pag-upa ng Sasakyan

Kombenyente ang umupa ng sasakyan sa Taiwan. May mga opisinang nagpapaupa ng sasakyan sa airport, istasyon ng tren at sa malalaking kalunsuran, nagbibigay ng serbisyong pag-upa sa iba’t ibang klaseng sasakyan, nagpapagaan sa paglalakbay sa buong Taiwan. May diskwento at paraang pag-upa sa sasakyan sa karamihan nitong mga kumpanya. May kumpanyang nagbibigay ng pagkuha ng sasakyan sa lugar A at pagbalik ng sasakyan sa lugar B (may bahaging kailangang magbayad ng service fee). Dapat siguraduhing mabuti ang mga tanong tulad ng kasama ba sa halaga ng upa ang pambayad sa insurance, mayroon bang sarili pang babayaran at iba pang tanong bago kunin ang sasakyan.


Sa bisitang hindi tiyak sa sitwasyon ng trapiko sa Taiwan, maaaring gamitin ang paraang pag-upa ng sasakyan na may kasamang serbisyo ng tagapagmaneho. Bukod dito, may mga hotel na may serbisyong pag-upa sa sasakyan at mas kombenyente at matipid sa bisita ang pagsundo at paghatid sa airport o ang paggamit ng sasakyan sa maikling panahon lamang.

 

Mga dapat bigyan ng pansin ng tagapagmaneho

Nasa kanan ng kalsada ang daan ng lahat ng sasakyan sa bansa. Dapat gumamit ng seat belt ang tagapagmaneho at ang pasaherong nakaupo sa harapan ng sasakyan. Kapag balak mong umupa ng sasakyan sa paglalakbay sa Taiwan, unawain muna ang mga regulasyon sa pagmamaneho ng sasakyan sa Taiwan. Magpalit o kumuha ng maybisang driver’s license at maaari nang simulan ang karanasan ng magandang paglalakbay sa Taiwan!


Para sa dayuhang kukuha o magpapalit ng driver’s license sa Taiwan, sumangguni sa website ng Motor Vehicles Office sa Lungsod ng Taipei!

o tumawag sa telepono: 02-2763-0155