I. Paghihiram ng Bisekleta
(1) “Muling i-swipe ang card”: Tagalan ang paglapit ng kard sa
sensor o ilabas ang kard mula sa pitaka bago muling i-swipe.
(2) “Hindi nakarehistro ang kard”: Kailangang irehistro ang kard at
maging miyembro bago pwedeng gamitin sa paghiram ng bisekleta. Matapos iparehistro ang kard, kailangang maghintay ng 3-5 minuto bago gamitin sa paghiram ng bisekleta.
(3) “Naka-lock ang kard”: Tumutukoy sa abnormalidad ng talaan ng kard. Tumawag sa 1999 ext.5855 o 02-8978-8822 (regular na pagbayad) at humingi ng tulong sa customer service.
(4) “Hindi sapat ang balanse”: Magpadagdag ng pera sa kard bago gamitin sa paghiram ng bisekleta.
(5) “May nahiram nang bisekleta ang kard”: Tumutukoy sa walang rekord sa sistema ng pagsauli ng bisekleta sa nakaraang paghiram. Kapag naibalik mo na ang bisekleta, tumawag sa Customer Service sa Lungsod ng Taipei, telepono 1999 ext. 5855 o sa 02-8978-8822 (may bayad) upang matulungan ng customer service staff.
(6) “Hindi maaaring ipagpatuloy ang paghiram”: Tumutukoy sa limitasyon sa patuloy na paghiram. Upang mapanatili ang prinsipyo ng pagkapantay-pantay sa paghihiram, hindi maaaring manghiram agad ng bisekleta pagkatapos magsauli ng sasakyan sa iisang istasyon.
(7) “Lipas sa panahon at hindi kinuha ang bisekleta”: Tumutukoy sa pag-swipe ng kard at hindi kinukuha ang bisekleta sa loob ng 30 segundo. Muling i-lock ang bisekleta at ikakansela sa sistema ang paghiram. Ipasok ang bisekleta sa poste para ibalik ang bisekleta. Siguraduhin na may makikitang “Welcome sa paggamit ng YouBike 2.0”sa screen bago umalis upang maiwasan magkamaling kunin ng susunod na gagamit.
(8) “Pansamantalang natigil ang serbisyo nitong bisekleta”: Tumutukoy na pansamantalang matitigil ang bisekleta. Magpalit ng ibang sasakyan o humiram mula sa ibang istasyon.
(9) “May kaltas $N, balanse $N”: Tumutukoy sa pagkaltas ng halagang hindi nakaltas sa nakaraang paghihiram at pagtala sa rekord. Dahil hindi sapat ang halaga sa kard sa nakaraang pagsauli ng sasakyan o hindi natapos ang proseso ng pagsauli ng sasakyan, hindi nagtagumpay ang pagtatala sa sistema kaya ikakaltas at irerekord sa paghiram ng sasakyan ngayon.
II. Pagsauli ng Bisekleta
(1) “Hindi sapat ang balanse”: Tumutukoy na hindi sapat ang balanse sa kard para sa pambayad. Siguraduhing sapat ang balanse sa kard sa susunod na pagkakataong manghihiram upang mabayaran ang halagang babayaran sa nakaraan at ngayon. Makikita sa screen ang “May kaltas $N, balanse $N”. Kapag natapos na ang pagkaltas, maaari nang gamitin ang kard sa paghiram ng bisekleta.
(2) “Maling kard”: Tumutukoy sa paggamit ng Kard A sa paghiram ng bisekleta at Kard B sa pagsauli at pagkaltas ng babayaran. Ipasok ang bisekleta sa poste para ibalik ang bisekleta. Siguraduhin na may makikitang “Welcome sa paggamit ng YouBike 2.0”sa screen, nangangahulugang nagtagumpay ang pagsauli ng bisekleta. Sa susunod na paggamit ng Kard A sa paghiram ng bisekleta, makikita sa screen ang “May kaltas $N, balanse $N”. Kakaltasin ang halagang babayaran sa nakaraan, itatala sa rekord at maaaring muling gamitin ang kard sa paghiram ng bisekleta.
III. Pansamantalang Pagtigil at Pag-lock ng Bisekleta
(1) Pag-swipe sa QRcode para buksan ang lock at may makitang “Gamitin ang cell phone ng nanghiram para buksan ang lock”: Tumutukoy sa paggamit ng ibang cell phone sa pag-swipe sa QRcode o pag-swipe ng maling sasakyan. Mungkahing tingnan ang rekord ng paghiram sa YouBike 2.0 opisyal na APP upang mabuksan ang lock. (Hakbang sa pagtatanong: Pumasok bilang miyembro → Pamamahala sa Miyembro → Pamamahala sa Kard → Talaan ng Rekord). Kapag hindi mabuksan ang lock, tumawag sa Customer Service sa Lungsod ng Taipei, telepono 1999 ext. 5855 o sa 02-8978-8822 (may bayad) upang matulungan ng customer service staff.
(2) Pag-swipe sa kard para buksan ang lock at may makitang “Gamitin ang kard ng nanghiram para buksan ang lock”: Kadalasan dahil maling kard ang nagagamit o pag-swipe ng maling sasakyan, mungkahing tingnan ang rekord ng paghiram sa YouBike 2.0 opisyal na APP upang mabuksan ang lock. (Hakbang sa pagtatanong: Pumasok bilang miyembro → Pamamahala sa Miyembro → Pamamahala sa Kard → Talaan ng Rekord). Kapag hindi mabuksan ang lock, tumawag sa Customer Service sa Lungsod ng Taipei, telepono 1999 ext. 5855 o sa 02-8978-8822 (may bayad) upang matulungan ng customer service staff.