A. Ano ang dapat gawin kapag nasira o nawala ang YouBike pampublikong bisikleta?
(1) Tumawag agad sa Citizen’s Hotline 1999 ext. 5855 o sa 02-89788822 (may bayad) upang matulungan ka ng taong tagapagsilbi.
(2) Pagkatapos maupahan ang bisikleta, dapat pananagutan ng taong nanghiram ang pagtago at pag-ingat nito. Kapag nawala ang sasakyang inupahan, dapat ireport ng taong nanghiram ang pagkawala o pagnakaw ng sasakyan. Kapag ayaw ireport ng taong nanghiram, ibabatay ng operator ang proseso nang alinsunod sa legal na pamamaraan.
(3) Pagkatapos ireport ng consumer ang pangyayari, at nakumpirming nawawala ang sasakyan, dapat bayaran ang pagkawala sa operasyon ng bisikleta, batay sa Tuntunin sa Serbisyo Art. 5, $15,000 sa bawat isang YouBike 2.0.
B. Kapag inilagay ng YouBike sa talaan ng mga natigil na kard ang e-card (EasyCard), maaapektuhan ba ang paggamit nito sa iba (tulad nang sa MRT o bus)?
Kung dahil hindi ibinalik ang bisikleta, may kakaibang kalagayan sa transaksyon, nawawala ang kard o iba pang dahilan at inilagay ng sistema ang kard sa talaan ng mga natigil na kard, bukod sa hindi magagamit sa “sistemang pag-upa ng pampublikong bisikleta sa Lungsod ng Taipei”, hindi maaapektuhan ang iba pang gamit ng kard (tulad ng EasyCard). Kapag may iba pang functions ang kard, kailangang kusang asikasuhin ng miyembro ang pag-report ng pagkawala ng kard sa opisinang may awtoridad.
C. Ano ang dapat gawin kapag sira at hindi magamit ang YouBike bisikleta?
Kapag nasira ang bisikletang sinasakyan mo o may sira bago pa gamitin, mangyaring ibalik ang bisikleta sa pinakamalapit na istasyon, ikutin nang 180° pabaligtad ang upuan ng bisikleta at umupa ng ibang bisikleta. Kukunin at ipapaayos ng tauhan ng YouBike ang nasirang sasakyan. Nanaisin rin na tawagan mo agad ang Citizen’s Hotline 1999 ext. 5855 o sa 02-89788822 (may bayad), kusang ireport ang kalagayan ng sasakyan upang matulungan at mapabilis ang pagsasaayos ng sirang sasakyan.
D. Ano ang dapat gawin kung hindi ko sadyang sinira ang sasakyan?
(1) Tumawag agad sa Citizen’s Hotline 1999 ext. 5855 o sa 02-89788822 (may bayad) upang matulungan ka ng taong tagapagsilbi.
(2) Pagkatapos hiramin ang bisikleta, dapat pananagutan ng taong nanghiram ang pagtago at pag-ingat nito (kabilang ang kaugnay na mga piyesa at kagamitan). Kapag may kalagayang nasira ang sasakyan, dapat kusang tumawag ang taong nanghiram ng sasakyan sa opisina ng operator upang matulungan sa pagsasaayos ng problema at bayaran ang gastos sa repair nang ayon sa kalagayan ng pagkasira.
(3) Kapag malubha ang pinsala sa sasakyan at hindi na maaaring gamitin, at kinakailangan magpadala ng tao ang operator, may idadagdag pang gastos sa paglipat. Kapag nasa loob ng Lungsod ng Taipei, NT$150 bawat isang beses. Kapag nasa loob ng Lungsod ng New Taipei, NT$350 bawat isang beses. Kapag nasa iba pang lugar o distrito, dapat mag-isang ihatid ng nanghiram ang sasakyan sa loob ng Lungsod ng Taipei.
(4) Kapag nasira ang sasakyan, dapat pananagutan ng nanghiram ang gastos sa pag-upa sa sasakyan. Ang oras ng pagsauli ng sasakyan ay ang oras ng pagbalik ng bisikleta sa poste o ang oras na dumating ang operator sa kinaroroonan ng sasakyan.
(5) Tumutulong lamang ang operator sa pagsakay at paglipat ng bisikletang nasira at hindi na maaaring gamitin pa. Hindi tutulong ang operator sa pagsakay at paglipat ng taong nanghiram ng sasakyan.