Pista rin ang spring equinox? Sa Japan, ang tatlong araw bago at makaraan ang spring equinox at autumnal equinox ay tinatawag na Ohigan (equinoctial week o kabilang pampang). Sa dalawang araw na ito na magkasinghaba ang araw at gabi, sinasabing magkikita raw ng mga yumaong kamag-anak kapag dumalaw sa kanilang mga puntod sa panahon na ito. Ang araw ng spring equinox ay isang mahalagang araw ng paggunita sa mga yumaong emperador at miyembro ng kanyang pamilya sa Japan noong araw. Ngayon naman ay tulad ng ating Pista ng Undas at umuuwi ang maraming tao upang dumalaw sa mga patay.
Bukod sa paghahanda ng bulaklak at pag-alay ng mga prutas sa araw na ito, hindi maaaring mawala ang Botamochi, isang uring pagkain na gawa sa pulang beans na nakabalot sa malagkit na kanin, may lasang tulad ng matamis na malagkit at mochi. Magkatulad ang Botamochi sa Ohagi na siya naming ginagamit tuwing autumnal equinox. Ang pagkakaiba lamang ay mas malaki nang kaunti ang Botamochi at naiiba ang pangalan. Ang Botamochi ay ipinangalan sa peony, namumulaklak tuwing spring at ang Ohagi (silvergrass) ay makikita tuwing autumn. Dito makikita ang paggigiit ng mga Hapon sa kahulugan ng panahon.