Ang Vijayadashami ay isa sa tatlong pinakamalaking pista sa relihiyon ng India, pagdiriwang ng pagtagumpay ni Rama kay Ravana. Ipinagdiriwang ang pista nang 10 araw. Sa unang 9 na araw, may mga pagtatanghal kaugnay sa pista sa iba’t ibang lugar at pinaka-climax ang gabi ng ika-10 araw, tinatawag na “Ika-10 araw ng Tagumpay”. Sa magkakasunod na 10 araw, itinatanghal ang musical na “Ramlila”, kuwento mula pagkasilang ni Rama hanggang sa kanyang pagtatagumpay.