Tuwing mabanggit ang Pista ng mga Tumatakbong Baka, Espanya ang pumapasok sa isip ng maraming tao, ngunit alam mo bang may pista rin ng mga tumatakbong baka sa Indonesia? Ginaganap ang Pacu Jawi (Pista ng mga Tumatakbong Baka) sa Distrito ng Padang, Indonesia tuwing pagtapos ng panahon ng tag-ani bawat taon. Ang dating layunin ng pista ay upang ipagdiriwang ang pagtapos ng panahon ng pag-aani at ipakita ang lakas at kakayahan ng baka sa bawat pamamahay upang maibenta sa presyong maganda. Palaki nang palaki ang pagdiriwang na isinasagawa nitong mga nakaraang taon at mayroon pang opisyal na paligsahan, nang-aakit sa mga nais sumali mula sa iba’t ibang bayan.
Hindi katulad sa Espanya kung saan pinapabayaang tumakbo ang mga baka, mas binibigyan ng halaga sa Pacu Jawi sa Indonesia ang kakayahan sa pagkontrol ng mga baka. Kinakaladkad ng dalawang baka ang taong kasali sa paligsahan, hawak ng tao ang buntot ng dalawang baka, nakatapak sa isang tablang kahoy o balangkas na kahoy, pinapanatili ang balanse sa pagtakbo ng dalawang baka sa putikan at dapat ring bigyan ng pansin ang direksyon ng dalawang baka, subukang panatiliin na sa pareho silang direksyon pumaharap. May mga taong kinakagat ang buntot ng baka upang mapabilis ang takbo ng baka.
Dumaan sa ganitong ka-exciting na paligsahan, punong-puno ng putik ang buong katawan ng bawat sumali sa aktibidad. Pati na rin ang mga taong nanonood sa paligid, hindi rin maiwasang maputikan ang katawan!