Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paano maghanda ng emergency evacuation bag?

I. Dapat ilagay ang emergency evacuation bag sa bahay at sa trabaho sa lugar na madaling abutin ng kamay. Dapat tingnan at palitan ang mga gamit sa loob ng bag kahit minsan sa bawat kalahating taon. Batay sa kalagayan ng bawat isa at ng pamilya ang mga gamit na ilalagay sa loob ng bag. Maaaring pag-usapan ng pamilya ang mga gamit na kailangang ilagay at dapat kayang dalhin ng bawat isa. Kapag may matanda at bata sa bahay, mas mabuting maghanda rin ng kanilang bag ngunit dapat mga kailangan sa pananatili ng buhay at kayang buhatin. Halimbawa: 

(1) Pang-emerhensyang pagkain: Tubig na inumin, pagkain sa pag-iwas sa sakuna, biskwit, vacuum-packed lutong pagkain at iba pa. Sa kalagayang emerhensya, pinakamabuti at mas ligtas na maghanda ng pagkain sapat sa 3 araw. Maghanda ng 3 litrong tubig na inumin para sa bawat tao. Sa pamilyang may sanggol, dapat maghanda ng powder na gatas, mga pagkain ng bata, bote ng gatas at iba pa.

(2) Mga gamit sa paggamot at paglinis: Betadine, cotton buds, gauze ... at iba pang mga gamit sa first-aid, pangsukat ng temperatura, sabon, tissue, wet wipes, sanitary napkin at gamot (gamot na iniinom araw-araw pang-maintenance ng maysakit at mga madalas gamitin na gamot, bigyan ng pansin ang may bisang panahon at paraan ng pagtago sa gamot) at iba pa.

(3) Mga mahalagang gamit: Nasyonal ID, health card at kopya ng bankbook, photostat kopya ng iba pang mahalagang dokumento, at dapat may handang kaunting pera at barya dahil maaaring gumamit ng vendo machine.

(4) Iba pa: Tulad ng pito (whistle), mapa ng pag-iwas sa sakuna (maaaring i-download mula sa Taipei City Disaster Prevention Info Website), portable na radyo, flashlight, baterya, lighter, Swiss knife, pambukas ng lata, lapis at papel, lubid ... at iba pa. Kapag naghahanda ng baterya, siguraduhin na nababagay sa paggagamitan.

II. Maaaring gumamit ng alin mang backpack na mayroon sa bahay upang lalagyan ng mga gamit sa emergency evacuation bag, depende sa uri ng gamit at pangangailangan. Kapag tatakas para umiwas sa sakuna, tandaan na magsuot ng sapatos. Mas makabubuti na gumamit ng safety helmet at huwag kalimutan dalhin ang emergency evacuation bag!