Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang dapat alamin sa pag-iwas sa sakuna tuwing may bagyo at baha?

Bilang pagtugon sa pagsapit ng bagyo, dapat bigyan ng pansin ang kapaligiran ng tirahan at gawin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Kapag nangangailangan ng agarang tulong sa panahon ng bagyo, maaaring tumawag at i-report sa 「1999」、「119」o「110」.

2. Kapag natuklasan ng publiko na kailangang linisin ang daluyan ng tubig-ulan, may punong dapat alisin sa kalsada o iba pang bagay, maaaring i-report sa 1999 Citizens’ Hotline.

3. Kapag nasa mababang lugar o nasa gilid ng bundok ang tirahan o mga publikong nagtratrabaho sa tabi ng ilog, dapat umiwas sa pagguho ng bundok, putik at bato sa malakas na ulan, at lumayo nang maaga sa nasabing lugar. 

4. Dapat maghanda ng radyo, flashlight, first-aid kit, tubig na inumin, pagkain at mga kagamitang kailangan sa loob ng bahay.

5. Dapat sinusuri ang linya ng kuryente, ingatan ang apoy sa pagluluto, mga tubo sa gasul. Mag-iingat tuwing gumagamit ng apoy upang walang mangyaring pagsunog sa apoy.

6. Dapat tingnan at ayusin ang lahat ng pintuan at bintana sa bahay. Ilipat ang mga tanim sa paso sa loob ng bahay. Pangalagaan ang mga puno at bulaklak sa paraang paglagay ng suporta. Itali nang mahigpit ang iba pang bagay upang hindi lumipad sa hangin at maging sanhi ng pinsala sa ibang tao.

7. Dapat suriin ang mga bakod sa lugar ng konstruksyon, scaffolding, billboard at mga karatula sa patalastas, tanggalin o patibayin ang paglagay upang hindi bumagsak sa lakas ng hangin at magdulot ng pinsala.

8. Kapag tumanggap ng abisong lumikas mula sa pamahalaan ng lungsod, dapat magmadaling sumunod sa mga tauhan sa pamahalaan at ipatupad ang paglikas.

9. Sa panahon ng bagyo, huwag lumabas kapag hindi kinakailangan upang maiwasang masugatan ng mga bumabagsak na gamit. Sa panahong tumigil ang kuryente, iwasang gumamit ng apoy. Dapat may sapat na hakbang sa pag-iwas para hindi mangyari ang sunog.

10. Upang matiyak ang kaligtasan ng tirahan sa panahon ng bagyo at malakas na ulan, dapat maglagay ng awtomatikong pump sa tubig at maglagay ng harang o sako ng buhangin sa bungad ng basement. 

11. Huwag galawin ang mga nahulog na linya ng kuryente upang maiwasang makuryente at tumawag agad sa 119、110 o 1999 para maisagawa ng kumpanya ng kuryente ang emergency repair.

12. Ihanda ang sariling emergency evacuation bag. Dapat may kasamang mineral water, instant noodles, biskwit at iba pang pagkain, kopya ng ID, kaunting pera, mga madalas gamitin na gamot, magaspang na guwantes, flashlight, radyo, baterya, damit panlamig, kumot, raincoat, heat warmer pad, tissue, tuwalya, lapis at papel, susi, Swiss knife at iba pa. Ilagay sa bahay o sa trabaho sa lugar na madaling maabot sa anumang oras.