1. Pinakamahalagang protektahan ang ulo at leeg upang hindi masaktan tuwing may lindol, dapat sundan ang “dapa, takpan, humawak at maging matatag”. Kaya maghanap kaagad ng gamit na masisilungan tulad ng: ilalim ng mesa, sulok sa dinding, tabi ng kama ..., magtago sa loob nito at pangalagaang mabuti ang ulo at leeg, at tingnan din kung may panganib na mabagsakan ng gamit mula sa itaas nito para maiwasang masugatan.
2. Kapag magtatago sa ilalim ng mesa, pwedeng humawak sa paa ng mesa. Kapag gumalaw ang mesa dahil sa lindol, maaaring sumabay sa paggalaw ng mesa ang taong nasa ilalim nito at maging pangharang at proteksyon para umiwas sa sugat.
3. Bukod sa may posibilidad na may gamit na babagsak o nagsimulang bumagsak sa lugar ng iyong kinaroonan, pinakamaiging huwag nang muling lumipat pagkatapos dumapa.
4. Kung sakaling totoong hindi ligtas ang nasa itaas ng ulo, maaaring subukan na gumapang habang lumilindol. Tumigil agad kapag nakalayo sa lugar ng panganib, sumilong hanggang tumigil ang lindol.
5. Kapag lumindol habang nanonood ng sine sa sinehan, yumuko at sumandal agad sa espasyo sa pagitan ng inuupuan at ng upuan sa iyong harap. Kapag hindi kasya para yumuko sa baywang, takpan ang ulo at pilitin ibaluktot ang katawan nang mas mababa sa likod ng upuan.
6. Kapag lumindol habang naglalakad sa daanan, maghanap ng matatag na poste sa dinding at pansamantalang yumuko at sumukob sa tabi nito.
7. Kapag naglalakad sa tabi ng elevator, maaaring pansamantalang yumuko at sumukob sa tabi ng dinding sa labas ng elevator. Pinalakas ng bakal ang loob ng dinding nito at makakayanan ang lakas ng yanig ng lindol. Masasabing ligtas kapag pansamantalang magtago sa dinding sa labas ng elevator ngunit hindi maaaring pumasok sa loob ng elevator.