Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Impormasyong Pagtatama sa mga Sabi-sabi sa Kaligtasan sa Sunog

I. Ang website ng Taipei City Fire Department (Kaugnay na Impormasyon ), piliin ang “Publisidad at Edukasyon\Publisidad sa Pag-iwas sa Sakuna\Mga Maling Pag-iisip”.


II. Ang sumusunod na impormasyon ay tumutukoy sa mga sabi-sabi ukol sa kaligtasan ng sunog sa internet:

(1) Gintong Tatsulok sa Lindol: 

Ang teoryang ayon kay Mr. Doug Copp ng Estados Unidos, kapag bumagsak ang isang gusali, dahil sa bigat nito at pagtama sa mga bagay o kagamitan sa ilalim, mag-iiwan ito ng espasyo sa ilalim at tinatawag itong "Golden Triangle of Life". Kapag mas malaki at mas matibay ang bagay, mas maliit ang bahaging nadadaganan at mas malaki ang espasyong nililikha. Sa ganito, may mas malaking pagkakataon na hindi masaktan ang taong gagamit ng espasyong ito.

Impormasyong Pagtatama: Batay sa isinaad sa artikulong balita ng Ministri ng Interior, National Fire Agency noong Abril 11, 2011, ang teoryang “Gintong Tatsulok sa Lindol” ay hindi opisyal na kinikilala ng iba’t ibang bansa at hindi maaaring gawing pangkalahatan dahil sa pangunahing dahilan na magkakaiba ang sitwasyon ng pangyayari ng lindol, lugar o kapaligirang kinaroroonan ng tao at istraktura ng gusali laban sa lindol sa magkakaibang bansa sa mundo. Ang mga pinsalang dulot ng lindol ay nagmumula sa mga pagbabago sa kapaligiran ng gusali. Maaaring kabilang sa mga panganib ang pinsalang hindi dahil sa istraktura gaya ng pagkahulog ng mga bagay at pagbagsak ng mabibigat na kasangkapan, at pati na rin ang mga pinsala sa istraktura gaya ng pagbagsak ng gusali at paglubog ng palapag. Walang paraan na malaman ang paraan ng pagyanig ng lindol, ang direksyon kung saan babagsak ang gamit o gusali bago mangyari ang lindol at hindi malalaman kung saang lugar magkakaroon ng espasyo sa “Gintong Tatsulok sa Lindol”. At madalas na mangyaring nawawala ang inaakalang espasyong gintong tatsulok dahil sa paglipat ng kasangkapan o gamit sa malakas na pagyanig ng lindol at nasasaktan ang tao sanhi ng nadadaganan o natatamaan.

Ipinapalaganap ang tatlong hakbang para sa proteksyon tuwing may lindol: “Dumapa, takpan, humawak at maging matatag” at dapat laging isanay upang mapahusay ang kakayahang pagtugon.

(2) Kapag may makapal na usok, gumamit ng basang tuwalya, takpan ang bibig at ilong at lumisan.

Impormasyong Pagtatama:

1. Ang unang panganib sa sunog ay ang makakapal na usok. May nakalalasong mga gas sa makapal na usok, mataas na temperatura, at kakulangan sa oxygen. Hindi epektibong makakapagpigil ng may lason na gas ang basang tuwalya. Magiging mainit ang basang tuwalya sa sunog, magiging singaw ang tubig. Kung itatakip sa bibig at ilong ang basang tuwalya, maaaring magdulot ng pinsala sa respiratory tract kapag nilanghap ang mainit na singaw ng tubig. Maaari rin itong maging harang sa hangin at magdulot ng kakulangan sa oxygen.

2. Kung natuklasan nang maaga ang sunog, dapat magmadaling lumisan. Ang pagkuha ng basang tuwalya ay maaaring makaapekto sa oras at bilis ng paglisan. Mas mainam na gumapang sa mababang posisyon (nasa sahig ang dalawang tuhod, tumango para mababa ang bibig at ilong, at ilapit ang mga siko sa sahig) habang lumilisan.

Kung hindi maagang natuklasan ang sunog, dapat maghanap ng ligtas na lugar, isara ang pintuan at magtago. Huwag na huwag umasa sa basang tuwalya o iba pang gamit. “Lumisan agad kapag may nakitang apoy. Isara ang pintuan kapag may makapal na usok!” Mag-ingat sa pagtugon upang mailigtas ang buhay.

(3) May sabi-sabing kumakalat sa Internet na kapag nagkaroon ng apoy, magtago sa banyo dahil may butas ng daluyan ng tubig sa loob at makakalanghap ng sariwang hangin.


Impormasyong Pagtatama:

1. Gawa sa plastik ang karamihan ng pinto sa mga paliguan at banyo. Hindi nakakatindi ng init ang pintong plastik. Maaaring matunaw ang pinto sa makapal na usok (may temperaturang 200-400 degrees), kaya hindi paraan ng pagpigil sa usok ang pagtatago sa loob ng paliguan at banyo, sa kahulihan mamamatay dahil sa usok ng apoy.

2. Walang bisa ang tubig sa loob ng paliguan sa mainit na temperatura ng makapal na usok. Isang pampalubag-loob lamang at nagdadagdag ng pakiramdam ng kaligtasan ang pagbasa sa buong katawan.

3. Ang daluyan ng tubig sa paliguan ay may hugis S na tubo upang hindi pumasok ang amoy ng baho sa loob ng banyo. May naiiwan na tubig sa loob ng kurbadang tubo para harangin ang hangin upang hindi kumalat ang amoy ng baho sa buong gusali, kaya hindi magkakaroon ng “sariwang hangin” sa daluyan ng tubig.

4. Mungkahi na magtago sa loob ng kuwarto na may bintanang makikita sa labas. Isara ang pinto at gumamit ng tape, siksikan ng tuwalya o damit ang mga siwang sa apat na paligid ng pinto. Buksan ang bintana at sumigaw ng saklolo sa labas o tumigil sa loob ng kuwarto, tumawag sa 119 at maghintay ng saklolo.