Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/65441/9384418/7cf64dcd-f104-4053-844e-9549d2e05d76.jpg

Nagsimula ang April Fool’s Day sa Pransya. Sa taon 1564, sinimulan ng Haring Charles IX ng Pransya ang paggamit ng bagong kalendaryo at ang dating unang araw ng taon na Abril 1 ay pinalitan na Enero 1. Dahil matagal nang ginagamit ang lumang kalendaryo, hindi pa masanay ang maraming tao nang magpalit sa bagong kalendaryo. Sa pagsapit ng bawat Abril 1, may taong nagdiriwang ng Bagong Taon tulad ng dati at may taong nagbibiro at nagbibigay ng “kunwaring regalo sa Bagong Taon”, sabay tinatawanan ang mga taong hindi pa nakakasunod sa panahon. Sa katagalan, ito na ang naging April Fool’s Day. Karamihan, pagkain ang unang pinipiling kunwaring regalo para sa Abril 1 at “isda” ang pinakagusto ng mga tao. Ngunit bakit “isda”? Dahil nag-aabstinensya pa ang mga Katoliko at Kristiyano sa buwan ng Abril, hindi maaaring kumain ng karne ngunit pwedeng kumain ng isda. Kaya’t unang pinipiling kunwaring regalo ang isda! Patuloy hanggang ngayon ang tradisyon na panloloko sa ibang tao sa araw ng Abril 1, napalitan lamang ng pagdikit ng “papel na isda” sa tradisyong ito.