Counseling Director Tsai Chao-Hsien sa Jiuzhuang Paaralang Elementarya
Ayon sa istatistika sa populasyon ng Ministri ng Interior, may 7.7% ng bagong panganak sa Taon 2020 ay anak ng bagong imigrante (ama o ina). Bumaba ito kung ikukumpara sa pinakamataas na 13.37% sa Taon 2003 ngunit hindi pa rin maaaring ipawalang-bahala ang proporsyon ng populasyon ng bagong imigrante sa populasyon sa buong bansa.
Walang pinagkaiba ang pag-aaral ng mga anak ng bagong imigrante sa paaralan sa pangkaraniwang mag-aaral. Nagkakaiba lamang kung nagagawa ang tungkulin ng pamilya pero hindi lamang pamilya ng imigrante ang may ganito, ngunit may kaibahan na sa pagpili ng wikang aralin o sa batang nagsasalita ng wika ng imigranteng magulang.
Nagsimula sa Taon 2019 na makasama ang 7 wika ng Timog-Silangang Asya sa pipiliing wika na pag-aaralan. Natuklasan namin sa paaralan na hindi pinipili ng madaming mga anak ng bagong imigrante mula sa Timog-Silangang Asya ang wika ng kanilang magulang. Isa itong nakapagtatakang sitwasyon. Sa pag-uunawa namin sa nasasaisip ng bata, sinasagot ng mga bata: ayon sa kagustuhan ng nakatatanda sa bahay na piliin mag-aral ng Taigee (o Hakka), dahil hindi marunong ng katutubong wika ng ina…. Mula sa mga sagot ng bata, natuklasan na mas mahina ang pamilya ng mga bagong imigrante mula sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, lalo’t na ang imigranteng kababaihan. Bukod sa mag-isang pinapasan ang lahat ng gawaing bahay sa pamilya, pasan din ang paghahanap-buhay para sa pamilya, abala sa magkabilaan, kaya tutoong napakahirap na may matirang oras at lakas ng katawan upang mapangalagaan nang maayos ang pag-aaral ng anak sa paaralan.
Upang lalong maunawaan ang suliranin ng pamilya ng bagong imigrante at ang pag-aaral ng anak sa paaralan, nabigyan ko ng pansin ang pagkakataon na maturuan ang bata na magsalita ng wika ng imigranteng magulang sa loob ng bahay ngunit magkakaiba ang sitwasyon ng bawat pamilya. Masuwerte ang pamilyang pantay ang turing sa bagong imigrante. May pagkakataon ang anak na makapag-usap sa pangkaarawang pamumuhay ng wika ng imigranteng magulang mula pagkabata at kahit hindi lubusang magaling sa pagsasalita nito, may detalyadong kaalaman pa rin sa kultura ng bansang pinagmulan ng magulang. Sa kabilang dako, kapag hindi pantay ang relasyon sa pag-aasawa, mahuhulaan ang lugar ng bagong imigrante sa pamilya. Lalo na kapag may lolo at lola pa sa pamilya, kadalasan na hindi pinapayagang turuan ang batang magsalita ng wika ng imigranteng magulang at piliin ang pag-aaral nito sa paaralan.
Nasubukan ko rin gamitin ang mga pakinabang sa paggamit ng wika at iba’t ibang pagkakataong pang-edukasyon sa pagpapaliwanag ng pagpili ng wikang pag-aaralan ng anak ng mga bagong imigrante. Lalo’t na sa mga anak at magulang sa mas mahinang pamilya, sinasabi ko sa mga bata na may maraming pagkakataon sa kinabukasan ang marunong magsalita ng iba pang uring wika. Bukod sa makipag-usap sa mga tao sa bansa ng magulang, maaari pang maghanap ng larangang pagpapaunlad sa ekonomiya at maging tulay sa pagitan ng kultura at ekonomiya ng dalawang bansa tulad ng pagdadala ng mga produkto ng Taiwan sa bansa ng magulang o dalhin ang kakaibang kultura sa ekonomiya ng dayuhang bansa sa Taiwan, halimbawa, kultura ng kanin sa Vietnam – pho, milk tea ng Taiwan … Ngunit dapat pa rin pag-aralan nang mabuti ang wika upang magkaroon ng madaming uri ng pagkakataon.
Matapos ang madaming beses na pakikipag-usap sa mga bagong imigranteng magulang at mga anak, nagkakaroon sila ng interes sa pagsasanay ng sarili nilang katutubong wika, sa damdamin nila nagsimulang magbigay ng pansin sa kulturang ekonomiya ng kanilang sariling bansa. May aasahan sa kinabukasan ang patuloy na pagsasanay at pagpapayaman ng sariling kaalaman.