Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mga Suliranin sa Pag-aaral na nakakaharap ng mga Anak ng Bagong Imigrante – Pagbibigay ng Atensyon sa mga Batang Malungkot

Academic Affairs Dean sa Bin Jiang Elementary School Tsai Chao-Hsien


    Sa loob ng isang klase, magkakaroon ng ilang batang hindi mahusay ang kalagayan sa pag-aaral, kakaunti ang salita, hindi maganda ang pakikisama sa ibang tao .... Idinidiin ko rito na nangyayari ito hindi lamang sa bahaging pamilya ng bagong imigrante, maaaring mangyari rin sa pangkaraniwang pamilya. Ang dahilan nito ay maaaring sariling pag-uugali ng bata, edukasyon sa pamilya, relasyon sa pagitan ng magulang.


    Madalas na hindi matatag ang kalagayan ng pamilya sa Taiwan kapag ang kasal ng bagong imigrante mula sa Timog Silangang Asya ay nabuo sa pagpapakilala ng ahensya. Kapag sinuwerte, may asawang lalaki na marunong umunawa at magmahal sa asawang babae. Mas walang problema ang paglaki ng batang ipinanganak sa ganitong pamilya. Sa kabila naman, kapag ang walang suwerteng imigrante ay napunta sa isang pamilyang hindi marunong magbigay ng paggalang sa imigrante, mahuhulaan natin ang mga araw ng bagong imigrante sa pamilyang ito. Madalas na hirap rin ang dinaranas sa pag-aaral at pagsasanay ng batang lumalaki sa pamilyang hindi maganda ang relasyon sa isa’t isa.


    Ang batang hindi maganda ang pag-aaral at pagsasanay ay nabibigyan ng paggabay sa paaralan upang maitatag ang wastong pag-iisip, ihinihimok ang batang matuto at kumilos, magsumikap sa pag-aaral upang hindi mapagalitan ng pamilya. Dapat magbigay ang paaralan at ang guro sa bata ng pagkakataong makapagsilbi o maipakita ang kanyang kakayahan tulad nang sa grupong pangkalusugan, host sa programa, sumali sa mga palaro .... Basta’t hindi umayaw ang bata, hayaang sumali ang bata. Bigyan ang bata ng pagkakataong ipakita ang sarili sa entablado upang lalong magkaroon ng tiwala sa sarili ang bata. Huwag na rin gamitin ng pamilya ang paraang pinapagalitan ang bata sa pagpapalaki at pagtuturo sa kanya.


    May mga batang nagkaroon ng pagbabago sa pamilya (tulad nang nawalan ng miyembro sa pamilya, nagkaroon ng problema sa salapi ...), biglang may pagbabago sa pag-uugali ng bata, tahimik at ayaw magsalita, nalululong sa 3C, hindi naliligo, hindi nag-aaral ..., may hangganan ang pagbabago sa bata kung aasa lamang sa tagapaggabay (guidance counselor) na magbibigay ng pansin sa bata. Kapag madalas nakikitang mag-isa ang bata sa paaralan, walang ibang kasamang kaibigan, ang mga guro sa paaralan ay dapat aktibong magbigay ng paggabay, gumawa ng pagdalaw sa bahay kung nararapat. Bukod sa ipaalam sa pamilya ang kalagayan at interes ng bata sa paaralan, sabihin sa magulang na dapat bigyan ng suporta ang anak. Kapag natuklasan na may kinakailangang tulong ang magulang, maaaring tumulong sa paghahanap ng makakatulong, tulungan ang pamilya sa pansamantalang pagraos sa suliranin.


    Kapag ang ganitong klaseng batang malungkot ay nagpalit ng paaralan o kapaligiran sa pag-aaral, kailangang gawin nang mabuti ang trabahong koneksyon (pag-aaral at paggabay) sa dalawang paaralan. Ang bagong paaralan ay dapat magbigay ng espesyal na atensyon sa ganitong uri ng bata. Ang pagpalit ng kapaligiran ay maaaring magbigay ng panibagong simula sa bata, ibalik ang positibo at optimistikong saloobin sa pagharap sa mga hamon ng buhay dahil hindi malungkot ang daan sa buhay at napakaraming tao ang tahimik na nag-aalala sa iyo. Lumapit at humingi ng tulong sa guro sa paaralan kapag may anumang problema. Iyong maaasahan at mapagsasandalan ang mga guro sa paaralan at ang iyong pamilya.