Guting Junior High School Counselor Wang Phei Ling
Ang pamamahala ng emosyon ay tumutukoy sa pagkontrol at paggamit ng isang tao sa kanyang emosyon o kalooban upang matamo ang sariling layunin, kabilang na ang pagkontrol at pag-ayos sa sariling emosyon upang hindi makaapekto sa sariling pag-aaral o kalidad ng pamumuhay.
Kadalasan may mga sumusunod na katangian ang isang batang may matatag na emosyon:
1. Mas kaunti ang paiba-iba o pabago-bago ng emosyon, mas madaling makontrol ang sariling damdamin at mas may epektibong paraan sa pagharap sa mga suliranin sa buhay at sa pag-aaral.
2. Mas mataas ang pagiging regular sa oras: Kadalasan mas may magandang pamamahala sa oras at regular ang gawi sa pamumuhay tulad nang may regular na oras sa trabaho at pahinga, napapanatili ang balanse sa pagkain at ehersisyo at iba pa.
3. Mas matatag ang relasyon sa ibang tao: Maayos makipag-ugnayan sa ibang tao, may magandang relasyon sa magulang, guro at mga kamag-aral, natututong makisama sa ibang tao.
4. Nalilinang ang kakayahang kilalanin ang sarili: Nauunawaan ang sariling emosyonal na pangangailangan at kagustuhan, may tiyak na layunin at paniniwala at may mas malinaw na plano para sa kinabukasan.
Ang mga sumusunod ay mungkahi sa emosyonal pamamahala ng mga mag-aaral sa paaralan mula sa pananaw ng isang guro:
1. Linangin ang sariling kamalayan: Kailangan maunawaan ng mag-aaral ang sariling emosyonal na kalagayan, maobserbahan at mapagtanto ang pagtugon ng katawan at ng damdamin at gumawa ng naaayon na istratehiyang bawasan ang hindi pagkaginhawa.
2. Turuan ang mag-aaral matutong magpahayag ng damdamin: Ihikayat ang mag-aaral na ipahayag ang sariling nararamdaman, matuto kung paano magsaad ng emosyon at kung paano humingi ng tulong at suporta.
3. Magkaroon ng positibong saloobin: Matutong mag-isip at kumilos nang maagap upang magamit ng mag-aaral ang sariling mapagkukunan at kakayahang harapin ang iba’t ibang kahirapan ng damdamin.
4. Ihikayat makihalubilo sa ibang tao: Matutong makihalubilo sa mga kaibigan o sa iba pang tao, matuto ng kakayahang lumutas ng suliranin at pagsasalungat, at ibahagi ang sariling kalooban at damdamin.
5. Matutong ilipat ang kalooban: Matutong alisin ang pag-iisip sa mga pag-aalala, ilipat ang atensyon sa positibong aktibidad at mga pagdaranas upang mabalanse ang negatibong damdamin.
Sa panig ng pamilya, maaaring tumulong ang magulang sa pagpapanatili ng matatag na emosyon ng anak tulad ng pagbibigay ng magandang kapaligiran sa pamumuhay at matatag na relasyon ng pamilya, magbigay ng positibong paghihikayat at suporta, magtatag ng pagkokonekta ng damdamin at tulungan ang anak na magkaroon ng mga magandang gawi sa buhay at kakayahang pamamahala sa emosyon upang mas masanay silang makibagay sa mga paghahamon na lumilitaw sa buhay.
Kapag hindi maganda ang damdamin ng anak, maaaring tulungan ng magulang ang anak sa pagpapaginhawa ng emosyon at pakikipag-ugnayan. Nasa ibaba ang ilang mungkahi:
1. Pakinggan ang anak: Una, makinig sa pagpapahayag ng emosyon ng anak upang magkaroon ang anak ng pakiramdam na may umuunawa sa kanya at upang mas makakapagtatag ng ugnayan ng damdamin ng anak.
2. Pagpapahayag ng emosyon: Dapat matuto ang magulang na magpahayag ng emosyon, ibahagi sa mga anak ang karanasan at pagpapalagay ng damdamin sa pamilya upang matuto at maunawaan ng anak ang pagpapahayag at paraan ng pag-aayos sa damdamin.
3. Tulungan ang anak na pag-aralan ang pamamahala sa damdamin: Maaaring tulungan ng magulang ang anak sa pagsasanay ng kakayahan sa pamamahala ng damdamin. Halimbawa: turuan ang anak kung paano magrelaks at kumalma, paano magpahayag ng damdamin, paano magbigay ng atensyon sa sarili at sa ibang tao.
4. Sumali sa paglalaro o sa aktibidad: Maaaring sumali ang magulang at ang anak sa paglalaro o sa mga aktibidad tulad ng manood ng sine, magkasamang mag-ehersisyo, mag-DIY ng gawaing-kamay at iba pa upang makapagtatag ang anak at magulang ng mas madaming inter-aksyon at komunikasyon.
Sa maikling salita, mas mataas ang pagkakataong magtagumpay ng taong matatag ang damdamin dahil pangkaraniwang hawak at nagagamit ang emosyon sa pagkakamit ng sariling layunin. Mas madaling napapanatili ang pagkalma at katatagan, mas nagkakaroon ng epektibong pag-iisip at paglutas sa suliranin sa paghaharap sa mga paghamon at paghihirap. Bukod rito, mas maayos at matagumpay ang relasyon ng taong matatag ang emosyon sa ibang tao, nakakapagtatag ng mabuting relasyon sa ibang tao, nagkakamit ng mas madaming tulong at suporta. Ang mga elementong ito ay magbubunga ng positibong epekto sa pagtatagumpay ng buhay at trabaho ng isang tao.