National Open University Assistant Professor Zhang Shou-Song
Alam natin lahat: “Dapat madalas linisin ang canal upang hindi bumaha kapag dumating ang malakas na ulan.” Alam rin ng lahat: “Dapat panatiliin hindi barado ang bituka ng katawan at regular na nagdudumi upang hindi magdulot ng sakit ng tiyan o constipation.” Ganoon din sa mga tao sa isang pamilya, dapat masipag makipag-usap at panatiliin na bukas ang komunikasyon lalo na sa pagitan ng magulang at anak. Maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan, pag-aaway at kung malala, maging sanhi ng pagsasalungat sa mag-anak kapag wala o kulang ang komunikasyon. Mga kagalang-galang na magulang, ang “komunikasyon ng magulang at anak” ay isang tulay sa puso at pag-uunawa sa isa’t isa.
Natuklasan namin na may hindi kakaunting bilang ng mga mag-aaral na kabataan, mahuhusay ang mga puntos sa asignaturang matematika sa elementarya, o nasa pangkaraniwan, ngunit biglang bumabagsak ang grado pagdating sa junior o senior high school. Isang halimbawa si Peter. 49 lamang ang iskor ni Peter sa unang eksamen sa matematika sa Grade 7. Nang gabing iyon, magpapapirma si Peter ng kanyang papel sa eksamen sa kanyang ama / ina ……
Magugulat at mag-aalala ang karamihan ng magulang kapag nakita ang ganyang iskor sa eksamen at madalas na sasabihin: “Ano ka ba, napakababa ng iyong iskor?” Sa totoo lamang, masama rin ang loob ni Peter, nahihiya, natatakot at hindi mapalagay. Kung maunawaan lamang ng magulang, makiisang damdamin at magbigay ng pagsang-ayon kay Peter: “Katulad mo ang naramdaman kong lungkot sa ganitong resulta ng eksamen ngunit hindi dapat mawalan ng pag-asa sa isang pagkabigo.” “Subalit hindi inaasahan ang ganyang marka ngunit naunawaan kong ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya.”
Sa sandaling ito, kinuha ng ama/ina ni Peter ang ballpen at tumigil, hindi mapigilang magsabi ng: “Hindi sa gusto kitang sabihan, ano ang mangyayari sa iyo kapag ganyan ang marka mo?” Kapag naramdaman ng magulang ang nararamdaman ng anak, maaaring sabihin: “Peter, concerned ako sa grado mo ngunit dapat kang maging responsible sa sarili mong marka.” “Hindi kita sinisisi ngunit dapat mong alamin na nag-aalala ako sa ganitong grado mo.”
Dala ng magulang ni Peter ang galit, pag-aalala at poot sa pagpirma ng pangalan sa papel sa eksamen, umiiling at nagsabi: “Araw-araw kang nanonood ng telebisyon, gumagamit ng cell phone, dagdagan mo ang oras sa pag-aaral!” Kung maaaring bigyan ng magulang ng lakas ng loob, muling tumayo pagkatapos bumagsak at sabihin sa anak: “Peter, maaari natin pag-usapan kung paano lutasin ang problemang pagbagsak sa eksamen.” “Kung dagdagan mo ang oras sa pag-aaral, naniniwala akong mapapabuti at magiging mahusay ka sa susunod.”
Higit na mahalaga ang “paano sabihin” kaysa “ano ang sasabihin”. Kapag nadarama ng magulang ang nadarama ng anak, ang saloobin sa komunikasyon at ang salitang ginagamit ay maglalahad ng pakikidamay at maayos na pag-uusap. Mag-uugnay at magkakaisa ang iniisip ng magulang at anak. Matatamo ng anak ang pag-iintindi, pag-uunawa at inaasahan ng magulang at gagawin rin ng anak ang pagsisikap. Mga kagalang-galang na magulang, ang “komunikasyon na may pakikidamay at nagbibigay ng suporta” ay may init at dalang pagmamahal, nakakalunas, nakakapagpagaling at nagbibigay ng bagong buhay.