National Open University Assistant Professor Zhang Shou-Song
Ang bata ay isang indibidwal na patuloy na lumalaki, minsan nadadapa, nauuntog, nagsusubok, nagkakamali, natututo mula sa pagkakamali at sa prosesong ito, may pusong naghahangad ng kabutihan at kagandahan.
Eksena 1: Si Martin, naging pangalawang may mataas na marka sa klase matapos ang matagal na pagsisikap, tuwang-tuwa na ipinakita sa magulang; ngunit nagtanong ang magulang: “Sino ang una?”Lalong nagsumikap si Martin at sa wakas, nagkamit ng unang karangalan at markang 99% sa report card, idinala sa harapan ng magulang ngunit muling nagtanong ang magulang: “Bakit hindi 100%? Saan napunta ang 1%?”
Eksena 2: Mahilig magguhit at magkulay ng larawan si Mary. Hawak ang kanyang ginawa para sa art exhibit, masayang nagsabi sa magulang: “Itay, Inay, nagkaroon ako ng espesyal na gantimpala sa eksibisyon!”Tiningnan ng magulang ang gawain ni Mary at nagsabi: “Pangkaraniwan lang naman, masyadong maputla ang kulay dito. Hindi nakulayan doon, Kung ako ang naging tagapagsuri, hindi magkakamit ng gantimpala si Mary.”
Sa mata ng mapiling magulang, anupaman ang pagsisikap at lalong pagsisikap, sila ay laging may nakikitang suliranin at pagkukulang. Maaaring inaakala nilang makakatulong sa kabutihan at kahusayan ng bata ang paghahanap ng kamalian at paghangad ng perpektong iskor. Totoo bang walang mabuti at maganda sa bata? Hindi ba karapat-dapat na humanga sa pagsisikap at tagumpay ng anak? Kapag tinatanggap ng magulang ang pagkukulang ng anak, magkakaroon ng lakas ng loob ang bata na ipahayag ang kanyang kakayahan. Kapag inilagay sa puso ang kagandahan ng anak, inanais ng anak na habulin ang kanyang pangarap.
Ang paraang “Anunsyo sa Positibo at Magandang Asal sa anumang panahon” at “Pagsaad ng Kagandahang Asal bawat Linggo”sa loob ng pamilya ay makakapagsanay na isapuso ang kagandahan ng miyembro ng pamilya. Ang pagsagawa sa paraang “Anunsyo sa Positibo at Magandang Asal sa anumang panahon”tulad ng: patuloy na paghihikayat “maayos ang bawat guhit sa pagsusulat”, malakas na papuri “mula 57 humusay at tumaas sa 60”, ugaliin na magbigay-puri “tila buhay ang guhit sa larawan …”, ilagay ang mga magandang asal sa “Family Bulletin”sa anumang oras. Sa pagsagawa ng“Pagsaad ng Kagandahang Asal bawat Linggo”, magkaroon ng pagtitipon ng pamilya bawat linggo at magsasabi ang bawat tao ng kagandahang-asal ng ibang miyembro sa pamilya tulad ng: “Nagpunas ng sahig sa sala si Martin”, “Kusang tumulong at naghugas ng pinggan si Mary nang makitang abala si Inay”, “ Tinitingnan nina Tatay at Nanay kung maayos bang nakakumot ang lahat kapag nakatulog na”… Tingnan nang mabuti ang kabutihan ng pamilya, positibong panindigan ang pagsisikap ng anak.
Ang tao ay magaling magpuna ng kamalian ng iba at mahigit na napupuna ang hindi maganda kaysa hanapin ang magandang asal. Hindi tayo nagkukulang sa pagpipintas ngunit dapat natin piliin at tingnan ang karapat-dapat. Mga magulang, gamitin ang pagkakataon na magbigay ng papuri kapag may magandang pagganap ang anak. Bigyan ng matapat na paghihikayat ang bata, maliit man o kakaunti ang paghusay. Mga matalinong magulang, simulan natin ngayon ang pagsasapuso ng kagandahan ng ibang tao. Huwag natin isaisip ang pagkukulang ng iba. Ilagay ng magulang ang kagandahan ng bata sa puso at ganoon din, isasapuso ng anak ang kagandahan ng pamilya.