Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mga Paraan kung Paano Turuang Magsulat ng Ulat ang mga Bata sa Elementarya at High School

Guting Junior High School Superintendent Wang Pei-Ling


May ibabahagi akong ilang mahalagang konsepto kung paano turuan magsulat ng ulat ang mga mag-aaral sa high school at sa elementarya. Una, turuan ang mag-aaral kung paano igrupo at gawin ang istraktura ng ulat, kasama rito ang paunang salita, ang pag-unlad ng ulat at ang 

konklusyon. Turuan rin ang bata kung paano gumamit ng makahulugang salita at parirala upang magkonekta ang mga ideya. Pinakahuli, ihikayat sa kanilang magsulat nang mas madami pa, upang maiwasto ang mga pagkakamali at mapahusay ang kakayahan sa pagsulat ng ulat.


Upang maturuan ang mga mag-aaral na sumulat ng mahusay na ulat, nasa ibaba ang ilang paraan at istratehiya para sa mga magulang at anak:

1. Magbigay ng masaganang materyales sa pagbabasa:

Bigyan ng magkakaibang mga gawain sa literatura at paksang babasahin ng mag-aaral upang lumawak ang kanyang pag-iisip. Lumalago ang kanyang talasalitaan mula sa pagbabasa ng magkakaibang uri at estilo ng pagsusulat, at magbibigay ng inspirasyon sa kanilang nais at kakayahang magsulat.

2. Bigyan-diin ang istraktura ng pagsusulat:

Kailangan matutunan ng mag-aaral kung paano magbuo at mag-ayos ng ulat, kasama ang paunang salita, pag-unlad at konklusyon. Ituro sa kanila ang kahalagahan ng pundasyon ng ulat upang malinaw nilang maipahayag ang nasasaisip at pananaw.

3. Magbigay ng workshop sa pagsusulat:

Magsagawa ng workshop sa pagsusulat ng ulat upang ang mag-aaral ay magkaroon ng pagkakataon magsulat sa ilalim  ng tagapagturo at tagapaggabay. Sa pamamaraang pagtatalakay at pagpupuna ng madami, makakatulong sa mag-aaral sa pagpapahusay ng kanyang kakayahan sa pagsusulat.

4. Gumawa ng paligsahan sa pagsusulat na may nakatakdang paksa:

Magsagawa ng paligsahan sa pagsusulat sa may takdang paksa upang ihikayat ang pag-iisip at pagkamalikhain ng mag-aaral at upang masimulan ang kanyang kakayahan sa pagsusulat. Nauudyok gumalaw, sumali at magsulat ang mag-aaral sa ganitong uri ng paligsahan.

5. Gabayan ang mag-aaral, magsulat at magsanay nang marami:

Ihikayat ang mga mag-aaral na magsulat ng diary bawat araw, kuwento, tula, kanta at magkakaibang uri at estilong gawa, at iwasto ang kanilang mali. Makakatulong ito sa pagpapahusay ng kanilang kakayahang magpahayag at magsulat.


Nasasaitaas ang ilang paraan na maaaring gamitin, makakatulong sa pagtuturo ng pagsulat ng ulat sa mga mag-aaral sa elementarya at junior high school. Sa pamamagitan ng positibong patnubay at pagbigay ng pagkakataon, makakatulong sa mag-aaral na itaguyod ang matatag na pundasyon at itaas ang kakayahan sa pagsusulat.

1. 《10 Paraan ng Pagtuturo sa Pagsusulat ng Ulat》-

https://flipedu.parenting.com.tw/article/008007

2. 《Ibinabahagi ni Titser Hsu Yee-Sha ang sariling pag-aaral ng ChatGPT na ginagamit sa pagtuturo ng pagsusulat ng ulat at nakakatulong sa suliraning “hindi sapat ang talasalitaan at mga parirala, magulo ang istraktura ng pangungusap”ng mga mag-aaral sa elementarya》-

https://flipedu.parenting.com.tw/article/008537

3. 《Sa lugar ng pagtuturo, mauunawaan na: Ang mahusay na pagsusulat ay labis na kumplikado at kaugnay sa memorya, pagpaplano, pagsusulat at pagwawasto》-

http://www.ater.org.tw/journal/article/10-9/free/14.pdf